Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Wowowee’s Wilyonaryo Controversy Updated!

Posted by Paurong sa Huwebes, Agosto 30, 2007

WowoweeIkinasindak ng maraming manonood ang nakita nila noong Lunes, August 20 sa noontime show na Wowowee. Marami na ring kopya ng video ng episode nito ang nasa Youtube at talaga namang umani ng kabi-kabilang batikos.

Ang “Wilyonaryo”, na bagong portion ng Wowowee, ang tinutukoy sa kontrobersya. Maaaring manalo ang kahit na sino ng 2 million pesos, 1 million pesos, 500 thousand pesos o House and Lot. Kagaya ng maraming game show, binibigyan ang contestant ng dalawang choices, kung kukunin o hindi kukunin ang premyo o alok. Ganyan ang takbo ng ibang game show tulad ng Deal or No Deal, Laban o Bawi, Taktak Mo o Tatakbo, Tok Tok Tok, Pera o Bayong at iba pa. At gaya nga sa mga nabanggit, kagawian nang alamin pagkatapos ng laro kung nasaan ang jackpot na premyo.

Noong episode na iyon, ang contestant na si Weng ay nanalo ng kabuuang P137,000, batay sa naging alok ng host na si Willie Revillame at sa napanalunan nito sa elimination round. Sinabi ni Willie na nasa violet na wheel ang jackpot na 2 million pesos. Nang buksan niya ang laman nito, 0 ang lumabas at hindi 2.

“‘Yon, walang laman!” ang pagkagitla ng co-host na si Mariel Rodriguez nang makita ang laman ng violet na wheel.

“Mali-mali, sandali… ang two million… Ay! Hawak ko pala!” ang natatawang sabi ni Willie matapos hilain mula sa violet na wheel ang isa pang film na may nakalagay na “2”.

Ipinagpipilitan ng ABS-CBN executives na ang nangyari ay isang “honest mistake” at hindi isang “scam”. Pero bakit kailangang dalawa ang laman ng wheel? Ang tanging sagot na nakikita ko dito ay upang magkaroon ng another choice, ang ibig sabihin may posibilidad na ibigay sa contestant ang premyo o hindi. Malinaw na malinaw, walang duda.

Maglabas man ng depensa ang Wowowee sa nangyaring ito, maraming tiwala na ang nabasag at maraming tao na ang nag-aalangan sa kredibilad ng naturang noontime show.

Willie Revillame’s Reaction on the Recent Wowowee’s Wilyonaryo Controversy (August 29, 2007):

“Hindi po ako nandadaya… ‘Wag n’yo paglaruan pagkatao ko. Kayo na bida. Sa’yo na ratings. Sige ‘Eat Bulaga’ na No. 1.

“I never cheated. I cannot do that. Here in ABS-CBN we will never do that.

“I’m sorry, pasensya na po kayo. Humihingi ako ng tawad. Kung tatanggalin po ako dito tatanggapin ko po ‘yon. Hindi po ako nandadaya.

“Kala mo napakalinis mong tao. Kung maganda ang istasyon n’yo ilabas n’yo ang totoo… Ako po nagsimula sa Channel 7 pero wala akong sinabi ni isang masamang salita sa Channel 7.

“Nirerespeto pa rin kita. ‘Wag mong hintayin na mawala ang respeto at paghanga ko sa iyo… Wala po akong ginagawang masama sa inyo.”

The following is the official statement of ABS-CBN (August 30, 2007):

“There was no cheating in the August 20 episode of ‘Wilyonaryo’, the new game portion in Wowowee.

“There are two parts in ‘Wilyonaryo’, the elimination and the final rounds. In the elimination round, the contestant won P37,000. In the final round, the contestant agreed to get the one hundred thousand pesos (P100,000) offered by Willie. This brought the contestant’s total winnings to one hundred thirty seven thousand pesos (P137,000).

“The revelation of where the P2 million jackpot prize is happened after the contestant decided to get Willie’s offer. Since ‘Wilyonaryo’ is a new game, a mechanical glitch occurred in the reveal portion.

“Wowowee assures all its supporters that all games and contests in the program are executed with transparency, fairness, and honesty.

“Wowowee will continue to give cheer, help, and fulfillment of the dreams of millions of viewers around the world.”

WHAT THE BLOG AUTHOR THINKS ABOUT THE ISSUE:

Inabangan ko talaga ang paglabas ng official statement ng ABS-CBN tungkol sa nangyaring “kababalaghan” (hayaan ninyong tawagin kong gayon) sa August 20 episode ng Wowowee. At ngayong alam ko na ang katayuan nila ay maaari na akong magsalita, bilang isang tagasubaybay, bilang isang may pakialam, at bilang isang mamamayang naghahangad, tulad ng karamihan, ng kalinawan sa mga ganitong uri ng kaganapan.

Ang batayan ng lahat ng ito ay ang official statement ng ABS-CBN. Tignan nating maigi. Dalawang bagay ang pinupunto ng official statement: (1) walang dayaang naganap at (2)nagkaroon lang ng mechanical glitch at bago pa lang ang palabas kaya nangyari ang ganoon.

Ipinabatid sa official statement ng ABS-CBN na nangyari na ang pagpili ni Weng, ang winning contestant sa Wilyonaryo noong araw na iyon, ng “Winame” kaya siya nanalo ng P137,000. Ngunit, hindi ba, ang usapan dito ay tungkol sa violet wheel na naglalaman dapat ng “2” at hindi “0”. Ilang ulit kong binasa ang official statement, at wala akong matunghayang pangungusap na magtuturo sa akin ng pahayag nila tungkol sa sinasabing daya. Ito ang dapat na pinag-igihan nila ng paliwanag, dahil ito ang ugat ng lahat. Hindi magtataka ang mga tao, kabilang ng ako, kung hindi dahil sa pagkakaroon ng dalawang numero sa isang gulong sa Wilyonaryo.

Tignan nating maigi, kung ang pinili ng contestant ay ang violet wheel sa halip na white wheel, tiyak na nadaya ang kahabag-habag na karaniwang taong naghahangad lang na maambunan ng perang magagamit niya upang makaangat sa kinasasadlakang hirap. Ngunit, malinaw na hindi ganoon ang nangyari. Umoo ang contestant sa alok na P100,000 ni Willie at umuwing may P137,000, ang kabuuang premyong napanalunan niya.

Sa pagbukas ni Willie sa violet wheel, nagulat si Mariel Rodriguez, co-host ni Willie Revillame sa Wowowee, na “0” ang laman niyon at hindi “2”. Nang humilang ulit si Willie ay lumabas ang isa pang film na may nakalagay na “2”. Ang ibig sabihin, dalawang film ang laman ng wheel, hindi isa. Kung lalapagan kita sa harapan mo ng dalawang inumin, ang isa ay soft drink habang ang isa ay iced tea, magkakaroon ka ng control sa kung alin sa dalawa ang iinumin mo, hindi gaya kapag iced tea o soft drink lang ang ibibigay ko sa iyo, wala kang magiging control sa gawi ng pagpili sapagkat wala naman talagang pagpipilian. Kapara ito ng sinasabi kong control sa wheel. Control sa pagbigay ng premyong nakabatay sa kung ano ang laman ng wheel.

Now, think about it.

44 Tugon to “Wowowee’s Wilyonaryo Controversy Updated!”

  1. Joanne said

    totoo ba yan?

    ngayon lang ulit ako nakabisita sa blog mo ah.

    at ikaw si Jervin Ruiz? hahaha. sabi na eh. ala-jonell kasi.

    Salamat sa pagbisita.

  2. Joanne said

    totoo ba ‘to?

    ngayon lang ako ulit nakapunta sa blog mo ah.

    teka, ikaw si Jervin Ruiz? hahaha. sabi na eh. ikaw na ikaw talaga. ikaw nga ba?

    Bakit kaya dala-dalawa pa comment mo na pareho lang ang laman.. Halos.

  3. isagani x, m.a. said

    Tsismis! LOL

    Hindi naman yan gossip, eh.

  4. tim ang said

    kung ikaw nga si jervin ruiz, di na ko
    magtataka.
    wala ng magagawa ang wowowee. nakita na ang
    nakita.

    Oo, nakita na ang nakita.

  5. sheLLa said

    ..wooh ang galing ah..

    ..nahuli si willy..??

    ..ahahah!!!

    ..kaya d ako na nunuod nyan eh..

    ..si willy pa…

    =p

    Just be observant.

  6. sheLLa said

    ..uuhh “willie” pa la un.. ahahah
    napaghahalata tuloy ako..

    =p

    I didn’t get that one.

  7. isagani x, m.a. said

    I assume good faith. At iniisip ko na mayroong matinong paliwanag dito. Ito ang sa tingin ko, lahat ng WHEELS ay mayroong ZERO (as default) at papatungan na lamang ng PRIZES and then ng COVER SHEET. Noong hatakin ang COVERSHEET, imbes na COVER SHEET lamang ang mahatak niya, nahatak din ang TWO.

    But then again, ito ay iniisip ko dahil ako ay nag aassume ng good faith. Sa mga skeptic at naghahanap ng fault, walang paliwanag ang sufficient.

    Subukan mong ulit ulitin ang pag pa play at makikita mo ang gusto ko i point out.

    Good faith? There is really something wrong. Something unrighteous, perhaps. Yeah, I know what you are saying and that’s what I am thinking also.

  8. sooperunnamed said

    So they just now know that it was all a ploy for good faith.

    They’re like gods who can wield everything in their hands.

    Ratings?

    Caritas?

    Fame?

    Who knows.
    🙂

    The word is control.

  9. sooperunnamed said

    So just now they knew.

    So just now they knew that it was all a ploy for good faith.

    They’re like gods who can wield everything in their hands.

    Ratings?

    Caritas?

    Fame?

    Who knows.
    🙂

    doubledouble.

  10. dave said

    hay naku heto na naman. at least walang namatay this time.

    aba yun pala ang blog gimik mo kamakailan. naisahan mo pa ako dun sa sarili kong blog, di bale may excuse ako, inaantok na ako nun.

    at kay joanne, ba’t nawala yung blogspot mo?

    Walang namatay pero maraming nadadaya. Wala akong gimik. Si Joanne siguro kasi binura niya blog niya. Yon gimik yon.

  11. Ms. Red said

    ewan ko ba ba’t pinapayagan pang mag air ang show na toh eh, ang dami ng issue sa kanila. Pati ang pagkakaroon ng fixer para makasali ka sa games nila. Wla ka naman matutunan na maganda kay willie.

    I watched the show this afternoon and wondered why all of those people on the studio are still deceived. Haha.

  12. brath said

    hay pasaway talaga si willie

    xiao!

    Kelan ba naging hindi.

  13. Joanne said

    ayy. sorry kung nadoble ah. kasi ‘yung una kong tinype hindi lumabas so akala ko wala na kaya gumawa ako ulit (parang sinabi ko na ‘to sa y!m kagabi). pwede naman burahin eh.😀

    Hindi naman kasi ako nagbubura ng comments. I respect everyone’s word on my blog.

  14. PSO said

    Sali ka sa PSO

    http://www.privatestoriesonline.blogspot.com

    Ano yun? Question mark.

  15. wah. di ako nanonood ng wowowee except dun sa part na sinabi ko sau. ung willie of fortune. ayoko kasi. hindi sa matapobre ako. pero mas naiinis lang ako sa pilipinas kasi mukha tayong pera. 1 vs 100 ang the best!

    Ok. So, ayaw mo sa Wowowee. 1 vs 100 masyadong matagal ang tanong. Nakakainis.

  16. heck, i never really liked Wowowee anyway

    Buti naman! Hehek..

  17. Static said

    kitang kita na yung pandaraya, may naniniwala pa rin??? yung nasa itaas na lang ang bahala sa pilipinas.

    Kitang-kita naman e. Maging bukas naman sana ang mga isip natin.

  18. triageur said

    the world is unfair.

    Onga e.

  19. Joanne said

    nagsalita raw si willie about this sa wowowee kanina?

    Jonell: Talaga? Ano’ng sabi?

  20. sidney said

    ..Again….

    The Ultra Stampede…the nip slip of one young celebrity… and other controversies hovering this kind of noon time show..WOWOWEE…

    Look intently on how they make people “happy”… you give me a boy with a nice touching story of his family with matching tears in his eyes.. a person who just shows off his so called “talent” in singing and dancing…. IN EXCHANGE of money…. THAT’S HAPPINESS FOR HIM!!!!

    Regardless of “honest mistake”, it is still a mistake! And mistake as such shouldn’t be tolerated especially when it is not the first time.

    But come to think of it, like the ultra stampede you are encouraging people to be dependent on dole outs than flexing their muscles. He is throwing a piece of meat to a pack of wolves.

    Whoever is behind the production is merely fooling the people and giving them false hope.. YES.. for some, this made a difference for their lives.. but how about those who LOST their lives…

    For people to patronage this kinds of game show and kinds of people, you will end up disillusioned- away from reality.

    maWIWILIE ka sa kahalayang ginagawa sa’yo ni WILLIE!!!!

    THE MTRCB should reprimand this WOWOWEE

    Jonell: Tama nga naman yung ganun. Hindi dapat i-tolerate. Nakakasira ng buhay yang ganyang panloloko. Nakakainis. Parang wala man lang action na ginawa ang MTRCB o kung anumang makakatulong.

  21. stick said

    sabe ko na nga ba. walang pinag-kaiba. si jonell at jervin..ay iisa.

    Jonell: Ano na naman.

  22. anonymous said

    AND I QUOTE

    “But come to think of it, like the ultra stampede you are encouraging people to be dependent on dole outs than flexing their muscles. He is throwing a piece of meat to a pack of wolves.

    Whoever is behind the production is merely fooling the people and giving them false hope.. YES.. for some, this made a difference for their lives.. but how about those who LOST their lives…

    For people to patronage this kinds of game show and kinds of people, you will end up disillusioned- away from reality.”

    AND I SAY:

    so what is reality then? Ang reyalidad ng buhay ay hindi lahat ng tao gaya mo, o gaya ko na nakukuha pang gumastos ng kung ilang kusing para mag-internet at magsurf ng net… at anong gusto mong gawin sa mga “wolves” na sinasabi mo? gutumin sila hanggang sa kapwa na nila ang kakainin at aagrabyaduhin nila? Tandaan mo lang.. hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon! wag mong sisihin ang isang programa dahil nagbibigay sila ng “pera” hindi lang sila iyon, eatbulaga, kahit PCSO! kamusta nman ung argument mo na yun diba? kung iyon ngang mga edukado at nakapagtapos sa kolehiyo ay hindi mabigyan ng oportunidad para gamitin ang nalalaman nila- iyon pa kayang mga no read no write wolves na sinasabi mo?

    Napakadaling sabihin para sa iyo na mas maganda kung magbanat na lamang sila ng buto! pero… alam mo ba talaga ang sitwasyon nila? huwag mo silang husgahan kung bakit sila umaasa sa ganun.. hindi matugunan ng pamahalaan ang hinaing nila.. gustuhin man nilang banatin ang mga buto nila- wala silang magawa kundi umasam na balang araw may biyayang darating sa kanila…

    saka ang isyu dito hindi ang wowowee! ang isyu dito.. e kung bakit marami pa ring tao ang umaasa sa agarang biyaya! patunay lamang kung gaanong naghihirap ang ating bansa…

    ikaw yata ang DISILUSIONED.. kung sinuman ang me ari ng koment na iyon… kasiraan lamang ng isang programa ang nakikita mo at ng bawat isang tulad mo… reprimand this or that… pero naisip mo ba talaga at naunawaan ang sitwasyon- ang mga pinagsasabi mo?

    YES! many have lost their lives- and many continues to do so… hindi lamang sila namamatay.. subalit sila’y nagiging mga patay na buhay… hindi na nakikita ng tao ang tunay na sila…

    Baguhin natin ang ganitong pag-iisip… gaya lamang ito ng mga taong sinisisi ang mga baradong estero sa pagbaha sa halip na sisihin ang abwat isa sa atin na kinalimutan ang kalikasan, ang mga nakaklbong kagubatan na siyang tunay na sanhi kung bakit laganap ang pagbaha… (sabay yun na daw e… alagaan po natin ang kalikasan.. bow!)

    Jonell: May pag-asa sa puso ng bawat isa.

  23. Ms. Red said

    Maganda ang mga sinabi mo at mukang sincere sa puso mo, but why ANONYMOUS?

    Jonell: Tama!

  24. she said

    mga tao tlg!
    matuwa n lang kayo n may mga shows n tulad ng
    wowowee at eat bulaga dyan s pinas!
    mandaya man o hindi,
    mahalaga nanalo!
    san k pa makakapulot ng 137,000 dyan saten..
    sisihin nyo gobyerno!

    pag nawala ang wowowee malaking kawalan din
    yan sa mga mahihirap dyan!
    MAGTULUNGAN N LANG!
    tama n ang crab mentality!

    Jonell: Lumulugar lang ang karamihan sa issue. Kung may pandaraya, kailangan ng aksyon patungkol dito. Walang kinalaman ang pamimigay nila ng pera. Sino ba naman ang hadlang sa magandang adhikaing iyon, diba? At isa pa, huwag nating sisihin ang gobyerno, hindi parating pamahalaan ang may responsibilidad sa tao, tayo mismo ang may pananagutan sa ating mga sarili, maging sino man tayo.

  25. kung tutuusin, mas malaki magbigay ng pera ang wowowee kesa sa ibang games…

    pero sa napanood ko….. hindi kataka-taka kung magduda ang tao.

    kailangan nila ng paliwanag ng isang specialista tungkol dito.

    Jonell: Onga. Onga.

  26. wowowee’s going to burn down the ground, i tell you.:(

  27. rigged in short.

  28. eNocH said

    si willie ang host eh, ano pa aasahan mo?

  29. kabalyero said

    It’s not a matter of crab mentality, it’s the principles behind the game shows that is important. I would really like to get an explanation from ABS-CBN regarding this issue. My main concern is, why was there 2 numbers inside the container? Do all them contain a zero in it? They brought these doubts upon themselves and they must explain and clarify them.

    It’s not crab mentality, it’s being vigilant!

  30. nabasa ko na sa wakas.

    asteeeg.

    only the finest from Filipino television.

    ang galing talaga nating mga Pinoy-
    actually hindi ko inaabangan yung statement ng ABS kundi yung reaction kundi yung hate-mail at death threats (kung sakali lang) na galing sa mga tao.

    nadapa na nga yung kababayan natin eh tatawanan pa.

    adding insult to injury kumbaga.
    para tayong mga bata.

    at isa pa, bakit ba tayo ganito ka-grabe ma-didisappoint dahil lang sa isang game show?

    ganun ba tayo ka-desperado na ang buong buhay natin eh naka-asa lang sa isang game show at ano mang pagkakamaling mangyayari dito (which is understandable, to say the least) ay sisira ng buong buhay natin/perception sa buhay?

    masyado tayong naka-asa sa SWERTE at CHANCE- walang sariling-sikap at gusto lang natin ng biglang-yaman kaya pag “nadaya” tayo eh feeling natin sobrang mali na yung ginawa.

    eh pano ba nga namang hindi- eh masyado tayong nakatutok dito.

    haaaay.

    and don’t get me started on those really pointless Channel Wars.
    kainis talaga.

  31. ardie said

    … the credibility of the show has gone!!! whatsoever explanation they will present — an average mind will think that this show is a “hoax”! What about the previous episode… isnt it possible that behind the ZERO could be 2 ?

    Well… damage is done! If you will sit and watch this show… will you be entertained for the sake of entertainment ?

  32. barbara said

    tsk tsk.. maciado ng plenty ang kroglemz ng wowowee…

  33. wan said

    grabe k nman po willie
    ano ung sinabi mo ulit???
    “YOU NEVER CHEATED???”
    gling mo nman po mgcnungaling???
    eh hiniwalayan k nga ng aswa mo
    dhil you cheated her tpos ssbhin mo
    you nver cheated??
    how come??
    pki explain before you complain!!!!!

  34. jet said

    sa obserbasyon ko?!…
    parang may pinipili si willie na manalo yung tipong parang kinikilatis niya muna ang katayuan ng buhay ng mananalo sa jackpot round, then kung hindi nga naman nakakaangat sa buhay ang contestant siguro ibibigay niya ang 2M, pero kung may kaya o mayaman naman ang contestant, malamang “0” ang ibibigay niya…..
    kaya kayo na ang mag isip kung may pinapanigan si pareng willie….
    kaya tuloy lalong hindi na ako naniniwala sa mga game show, dahil may daya daw… then i proved it na may daya nga….
    ung kay willie nga lang ang nabuking…
    wahahahahaha…

  35. sheLLa said

    ..hindi pa ba tapos yang issueng yan..

    ..nakakasawa na..

    >.<

  36. haha. ganun naman talaga ang 1 vs 100. matagal ang tanong.. wah muntik na maka 1,000,000 yung contestant sa are you smarter.. american game shows are the best

  37. nakapanuod said

    Sabihin na natin default ang 0 sa lahat ng wheels pero kung maglalaro ang isipin mo kht napili non girl ang alin mang wheel na mi lamang 2 ay maaring nde pa rin sya manalo depende sa kagustuhan ng show kung papanaluhin sya o nde, d ba? Kc nga 2 nga ang numbers na nasa loob ng wheel ganun lang kasimple non so depende kung ano huhugutin ni willie alin ang ipapakita nya un mi 0 or 2?Ganun lang kasimple un ano kayang tawag don? “Kadugasan” ba? Kawawa naman mga Pilipino na naasa lang sa mga game shows eh masahol pa yan sa Jueteng eh.

    Jonell: Mahirap talaga kapag ganyan.

  38. stick said

    .treasure.hunting.

    givemebones.bones.bones.bones.

    Jonell: Ang drama naman. Ano na naman bang kalokohan yan? Magsama kayo ng bones mo.

  39. dave said

    uy yung latest nag-apologiza na si willie kay joey.

    anyway, fine-tuning the explanation that zero is the default in each wheel, hindi pwedeng magbago ng prize sa loob ng wheel in the middle of the game. kasi kung ganoon, halimbawa, yung 2 million ginawang zero na lang, pagkatapos ng game, saang wheel nila ilalalagay yung 2 million na iyon? unless kaya nila isingit sa isa pang wheel, pero baka maging mas obvious naman ito.

    Jonell: Nag-apologize nga. Mabuti dahil nagpapakumbaba na siya.

  40. spanduran said

    sabi ng tropa nmin d2 tanggalin n c willie s wowowie plitan nrin ang title WOWOWA ………NA

    Jonell: Wah. Ayos yun ha!

  41. hahaha, sabi nga “Explain before you Complain”.

    hindi ko naman masisi ang mga taong sabik pa rin na nanonood sa audience ng naturang noon time variety show sa dahilang alam naman natin na nasasadlak sila at ang “100 pesos” na pinamumudmod nila ay pwede na pantawid sa araw na iyon. (teka di ako nanonood talaga ng kahit anong noon time variety show kadalasan dahil mas madalas tulog ako)

  42. boy ILAD said

    hahahaha, type tika kay DRAMA KING at MANLOLOKO hahahaha, oppps sorry sa word na MANLOLOKO d natin alam sino sa tatlo (3) ang manloloko.

    1. WILLY
    2. WOWOWEE CASTS
    3. Ang ABS-CBN ba mismo
    4. ALL OF THE ABOVE

    hahahaha kayo nalang ang sasagot alam ko mas matalino kayo sa akin.

    Kailangan isa lang ang pipiliin..

    hahahaha

    love,

    BOY ILAD

  43. jo said

    ALL of the above ^_^

    ksi namn magkakakuntsaba silang lahat dyan… mukhang walalang sa sarili si willie dat time…kaya nabuko… or maybe gods will nadin… para malamn ang malaking pandaraya ng noontime n show nayun… kunwari pang masa.,
    ginagmit lang nila masa pra sa sariling kapakanan.. kawawa namn ang masa mahirap na nga… dinadaya pa….

    TSK! TSK! TSK! karma na yan… buti nga sa kanila nabuko sila^^

  44. boy ILAD said

    hahahahaha, talagang fraud… kahit hindi ako nakasali sa mga ganong games, WHERE NOT LIVING YESTERDAY to tell fraud ba o hindi.

    Ang hindi maniwala na hindi fraud ang game na ito.. IKAW AY PROUD NA FRAUD NA FRAUD NI WOWOWeE-WILLIE

    hahahahaha.

    love

    boy ILAD

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: