Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Setyembre, 2007

Lastikman Theme Song.

Posted by Paurong sa Linggo, Setyembre 30, 2007

Lastikman Theme Song
Walang Susuko
by Parokya ni Edgar

Handang dumaan sa butas ng karayom
Lahat ay gagawin maligtas lamang tayo
Mga pagsubok ay kanyang handang labanan
Sa ngalan ng mga kailangan nyang tulungan.

Walang susuko,
Walang tatalo
Sa taglay nyang lakas
Likas sa kanyang puso
Walang atrasan mga kalaban
Walang kalaban-laban
Sa kapangyarihan
Lastikman

Posted in Lastikman | Leave a Comment »

Zaido: Pulis Pangkalawakan Theme Song.

Posted by Paurong sa Sabado, Setyembre 29, 2007

Zaido Theme Song
Zaido
by Sandwich

Mula sa tatlong sulok ng kalawakan (Zaido)
Mula kay Shaider galing ang kanyang angkan (Zaido)
Mga alagad ng kapayapaan (Zaido)
Bantay ng kalayaan, kami ang pulis pangkalawakan

Refrain:
Lususob na, maghahasik ng lagim
Ang mga kampon ni Fuuma-Lear
At sasakupin ang kalawakan
Sino’ng tatawagin natin?

Chorus:
Zaido, parating na ang mga Zaido
Sa kasamaan, ililigtas ang mundo
Go, go, Zaido, nand’yan na’ng mga Zaido
Ang tagapagligtas, sino’ng tatawagin mo
Zaido

(Blue, red, green)

Posted in Zaido | 3 Comments »

Limang Minuto.

Posted by Paurong sa Biyernes, Setyembre 28, 2007

Tiniyak niyang nakasara ang pinto bago niya binuksan ang ilaw sa kanyang kuwarto. Tinuyo niya na ang kanyang basang katawan. Nahiga siya sa kanyang kama at matagal na pinagmasdan ang kisame. Inilapag niya ang kanyang tangan sa sahig. Dumako ang kanyang paningin sa litratong nakatayo sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang higaan. Pinilit niyang ngumiti.

Kasama niya ang isang babae sa litrato. Kani-kanina lang ay kasama niya ang babaeng iyon. Sa ilalim ng ulan, nag-usap sila ng masinsinan. Tahimik lang siya habang kinakausap. Walang salitang namutawi sa kanyang bibig sapagkat ang kirot ang namayani sa kanyang damdamin.

Nakatatak pa rin sa kanya ang pangalan ng babaeng iyon ngunit ayaw niya na itong alalahanin pa. Sa pagkakatitig niya sa larawan, muli siyang napangiti. Bumalik sa kanya ang lahat ng mga araw na magkasama silang dalawa. Bumalik sa kanya ang bawat sandaling puro siya ang nasa utak nito. Kabilang na ang gabing iyon.

Kani-kanina lang, naging saksi ang buwan sa nangyari sa ilalim ng malakas na ulan. Kasusundo lang ni Franz ang kanyang girlfriend na si Bernadette. Buong gabing iyon na magkasama sila, malamig na nakitungo ang dalaga kaya lubos na nagtaka si Francis. Malapit nang bumuhos ang ulan nang magpasya siyang tanungin si Bernadette na noon ay nakatungo, waring malayo ang inaabot ng pag-iisip.

“Ano ba’ng problema?!” Kitang-kita sa mukha ni Franz ang pagkainis sa kinikilos ni Bernadette, ngunit tulad ng inaasahan, hindi kumibo ang dalaga.

“Kanina ka pa ganyan,” bumalik sa normal ang tono ni Franz. Naramdaman niya ang pagkagulat ni Bernadette sa pagsigaw niya. “Puwede mo namang sabihin sa’kin, diba?”

“Wala tayong payong, halika na.”

“Sagutin mo muna ‘ko.”

Tanging tunog ng kakaunting sasakyan ang humampas sa kanilang mga tainga. Sumunod ang mahinang tunog ng pagbagsak ng ulan.

“Umuulan na, halika na Francis.” Bihirang-bihira niyang tawagin si Franz sa buo nitong pangalan. Isa lang ang ibig sabihin, at tumagos ito sakto-empunto sa kamalayan ng binata.

ITUTULOY.

(nasa computer lab kasi ako. 2:20 pm na. 2:30 ang klase ko. mamaya na lang ulit.)

Posted in Fiction | 6 Comments »

TV Ratings GMA7 and ABS-CBN (Sept. 25-Sept. 27)

Posted by Paurong sa Biyernes, Setyembre 28, 2007

September 25 Ratings (Tuesday)

Daytime:

  1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 22.3%
  2. Pasan Ko Ang Daigdig (GMA-7) – 22.1%
  3. Kung Mahawi Man Ang Ulap (GMA-7) – 21.5%
  4. Meteor Garden (GMA-7) – 19.4%
  5. Kapamilya Deal or No Deal (ABS-CBN) – 19.3%
  6. Daisy Siete (GMA-7) – 19%
  7. Couple or Trouble (GMA-7) – 16.1%
  8. Wowowee (ABS-CBN) – 15.6%
  9. Takeshi’s Castle (GMA-7) / Pilipinas Game KNB? (ABS-CBN) – 15.3%
  10. SiS (GMA-7) – 12.4%

Primetime:

  1. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) – 35.1%
  2. Zaido (GMA-7) / Marimar (GMA-7) – 33.3%
  3. 24 Oras (GMA-7) – 30.8%
  4. Kokey (ABS-CBN) – 28.9%
  5. Lastikman (ABS-CBN) – 27.8%
  6. TV Patrol World (ABS-CBN) – 25.8%
  7. Jumong (GMA-7) – 25.2%
  8. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) – 24.5%
  9. Ysabella (ABS-CBN) – 19.5%
  10. Natutulog Ba ang Diyos? (ABS-CBN) – 16.1%

September 26 Ratings (Wednesday)

Daytime:

  1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 22%
  2. Kung Mahawi Man ang Ulap (GMA-7) – 21.6%
  3. Couple or Trouble (GMA-7) – 21.1%
  4. Kapamilya Deal or No Deal (ABS-CBN) – 20.5%
  5. Meteor Garden (GMA-7) – 20.3%
  6. Pasan Ko ang Daigdig (GMA-7) – 19.6%
  7. Daisy Siete (GMA-7) – 19.2%
  8. Pilipinas Game KNB? (ABS-CBN) – 17%
  9. Wowowee (ABS-CBN) – 16.5%
  10. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 14.8%

Primetime:

  1. Zaido (GMA-7) – 34.8%
  2. Marimar (GMA-7) – 34.6%
  3. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) – 33.5%
  4. 24 Oras (GMA-7) – 32.2%
  5. Lastikman (ABS-CBN) – 28.9%
  6. Kokey (ABS-CBN) – 28.8%
  7. Jumong (GMA-7) – 27.6%
  8. TV Patrol World (ABS-CBN) – 24.2%
  9. Pangarap na Bituin (ABS-CBN) – 23%
  10. Ysabella (ABS-CBN) – 18.9%

September 27 Ratings (Thursday)

Daytime:

  1. Meteor Garden (GMA-7) – 23.6%
  2. Pasan Ko ang Daigdig (GMA-7) – 21.8%
  3. Kung Mahawi Man ang Ulap (GMA-7) – 21.7%
  4. Eat Bulaga! (GMA-7) – 20.1%
  5. Daisy Siete (GMA-7) – 19.2%
  6. Pilipinas Game KNB? (ABS-CBN) – 17.9 %
  7. Kapamilya Deal or No Deal (ABS-CBN) – 17.6%
  8. Couple or Trouble (GMA-7) – 17.1%
  9. Wowowee (ABS-CBN) – 16.9%
  10. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 14.7%

Primetime:

  1. Marimar (GMA-7) – 36.1%
  2. Mga Mata ni Anghelita (GMA-7) – 36%
  3. Zaido (GMA-7) – 34.1%
  4. 24 Oras (GMA-7) – 33.5%
  5. Lastikman (ABS-CBN) – 30.3%
  6. Kokey (ABS-CBN) – 29.6%
  7. Jumong (GMA-7) – 26.3%
  8. TV Patrol World (ABS-CBN) / Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) – 25.6%
  9. Ysabella (ABS-CBN) – 21.2%
  10. Natutulog Ba ang Diyos? (ABS-CBN) – 15.5%

Source: AGB Nielsen Philippines

Posted in Ratings | Minarkahan: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a Comment »