Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Noli Me Tangere Kabanata 21 – Mga Pagdurusa ni Sisa.

Posted by Paurong sa Martes, Setyembre 4, 2007

Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Buod

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.

Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

About these ads

3 Tugon to “Noli Me Tangere Kabanata 21 – Mga Pagdurusa ni Sisa.”

  1. jaja sinabi

    kawawa nmn c sisa

  2. ms xhutil sinabi

    wala bang explanation?? wel tNx na rin nakatulong xah’ sah; reporting Q!!!

  3. Methuselah B. Magsino sinabi

    Ano ang katangiang ipinakita ni Sisa sa kanyang kabaliwan? Bakit sinabing marunong ang langit? Ang gantimpalang naroon kay Sisa ay ang paglimot pero bakit niya sinabing ang langit ay marunong? Answer that question please? I need it… Tnx anyway

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 41 other followers

%d bloggers like this: