Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Noli Me Tangere Kabanata 28 – Sulatan.

Posted by Paurong sa Martes, Setyembre 4, 2007

Kabanata XXVIII
Sulatan
Buod

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng . Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.

Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul.

Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham:

Crisostomo:

Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara:

Habol:

Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. paalam

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 41 other followers

%d bloggers like this: