Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Bahala Na Si Francis (2).

Posted by Paurong sa Huwebes, Setyembre 6, 2007

Kung hindi siya kikilos ng mas mabilis sa kinasanayan, siguradong mahuhuli siya sa klase niya.

“May kailangan akong gawin bago pumasok. May kailangan akong gawin…” Para siyang natatae sa pag-isip ng kung ano ba ang dapat niyang gawin bago siya pumasok. “Wala namang assignment. Wala nga ba?”

Sapul! Naisip niyang kailangan niyang magkaroon ng ipapasa para sa Values Education class niya ngayong hapon.

Dahil sa hindi niya kabisado ang kanyang schedule, nalito siya kung anu-anong mga klase ba ang dapat niyang pasukan sa araw na iyon. Naupo siya sa silya at binuksan ang drawer ng kanyang study table. Nagkalat doon ang kung anu-anong hugis ng yellow pad, intermediate pad, punit na pahina ng notebook at iba pa. Naroon din ang ilang balat ng candy at ilang chewing gum na kinatamaran niyang itapon sa basurahang malipat lang naman sa study table. Inilabas niya ang lahat ng mga papel at hinanap ang class schedule niya.

Thursday
8:30-10:00 Physical Education 1
11:00-1:00 Introduction to Problem Solving with Programming
3:00-4:00 Values Education

Kinuha niya ang lahat ng nakakalat na papel at nagkaroon ng interes na itapon ang lahat ng iyon sa basurahan. Biglang may kumatok sa pintong papunta sa kanyang kuwarto. Bumukas ang pinto kasabay ang mataas na boses ng nakababata niyang kapatid na si Shiela.

“Hoy, Kuya, ‘tinatanong ni Mama kung papasok ka ba raw o hindi!”

Napatingin si Francis sa salamin. Sobrang gulo ng kanyang buhok. Napansin niya ring may mga natuyong laway sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg.

“Papasok ako. Sabihin mo tapos na namin yung first subject. 11 ang pasok ko.”

“Weh? Maniwala naman ako! Tamad ka lang talagang pumasok!”

Mabilis na dinampot ni Francis ang unang nakalapag sa sahig at inihagis ito sa kapatid. Huli na ang lahat ng makita niyang wala nang tao sa pintuan.

“Bumalik ka dito! Uupakan na talaga kita!”

Sa pagnanasang masapok man lang ang maingay niyang kapatid, napadausdos sa sahig si Francis pagkatapos mahulog sa silyang kinauupuan niya. Susubukan niya sanang mahabol ang kapatid ngunit huminto siya nang makita ang oras. 8:13 am.

Kailangang magmadali. Kailangang magmadali. Pagkatapos kumain, maligo at magbihis ng uniporme, humarap siya sa kanyang laptop at ginawa ang dapat niyang gawin para sa klase niya sa Values. Nagawa niya iyon sa loob ng isang oras.

Hindi na siyang nakapagpaalam pa sa kanyang nanay. Nanonood ng Princess Sarah si Shiela nang lumabas siya ng bahay. Wala siyang ibang ginawa sa umagang iyon kundi ang magmadali, magmadali at magmadali.

Inabutan niya ang oras ng klase niya sa Introduction to Problem Solving with Programming. Pero mukhang may mali sa pinasukan niyang classroom. Wala itong lamang estudyante maliban sa isang babae.

Si Vieira.

11 Tugon to “Bahala Na Si Francis (2).”

  1. ~Sha~ said

    weeeh….
    mixu jonell…
    ztahh nmn ung story moh…?
    y nmn ndmay aq sah story ni mars…?
    tska btet xa my story d2…
    kw huh..

    Paurong: Bakit? Bakit? Bakit? Si Mars ba to? Hahaha!

  2. eyrica said

    hi poh..thanks at dhel seo nalaman q ang lyrics ng kundiman…:p

    Paurong: Walang anuman!

  3. Joanne said

    ang cute! may values education subj kayo. la lang.😀

    Paurong: Obvious namang hindi nagbabasa. Ano ba yan.

  4. Joanne said

    Binasa ko kaya. Siguro hindi dapat tuldok ‘yung nilagay ko after the statement na “may values education subj kayo” kasi napagkamalang mali ‘yung tinype kong punctuation mark at inakala mong question ‘yun. Siguro dapat exclamation mark:

    ang cute! may values education subj kayo! la lang.😀

    Paurong: Nagdahilan pa.

  5. dEe said

    hindi mo man lang tinapos yung – last story mo.

    Paurong: Eto nga.

  6. sheLLa said

    ..eto pla ung karugtong..
    ..aus ahh ang balbal na yata ng dating nito ngaun..
    ..bakit kaya..?? ibang style naman..??

    ..eheheh…

    Paurong: Hindi dapat manatili ang isang manunulat sa isang pamamaraan ng pagsulat ng isang kuwento. I’m getting out of the boz.

  7. sheLLa said

    ..napansin ko lang naman ah..
    ..hindi ko naman sinabing “bawal or wag kang mag-iba ng style mo ng pagsulat”..

    ..comment lang po…

    Paurong: Yeah. Kaya nga. Sorry.

  8. sheLLa said

    ..haay…

    Paurong: The page cannot be displayed.

  9. Sam Ting Wong said

    Akalain mu nga namang pati si Vieira ay nariyan.

  10. czar said

    ammm,saan ung karugtong??hehe

    Paurong: Hindi na po ako nagsusulat ng kuwento.😦

  11. Sam Ting Wong said

    hindi na nagsusulat?

    Paurong: Oo nga kasi.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: