Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

One year later.

Posted by Paurong sa Linggo, Setyembre 9, 2007

Bago mag-alas dose, pumunta ako sa 7-11 sa Rotonda para bumili ng isang deck ng playing cards, dalawang Mexican Hotdog, at dalawang Red Horse Beer in can.

Dumating si Arvin ilang minuto lang pag-uwi ko sa bahay. Pagkabukas na pagkabukas ng playing cards, pinakitaan niya ako ng magic tricks niya. Naka-ilang pakita siya sa akin habang kumakain kami ng Mexican Hotdog at umiinom ng beer.

Nagkumustahan kami. Ang buhay niya sa PUP at ang course niyang Industrial Psychology. Ang buhay ko sa FEU-EAC at ang pagiging isang IT student at ang pagkatuto ko sa programming.

Nang humarap na kami sa laptop ko, nanood kami ng videos sa Youtube. Tawa kami ng tawa. Pinakitaan niya ako ng husay niya sa O2Jam. Tapos, nanood ulit kami ng videos. Napagtripan din naming pakinggang ang nakakagagong pagkanta ng isang user sa imeem.com ng Welcome to the Black Parade ng My Chemical Romance.
Sa pangingialam niya sa files ko, inisa-isa niya ang high school pictures. Tawa kami ng tawa. Para kasi siyang elementary sa pictures noong third year. Doon sa ibang pictures naman nakakatawa talaga ang mga hitsura ng mga kaklase namin noon.

Inabutan na kami ng pagsikat ng araw. Pagkakain namin ng almusal, balik kami sa panonood ng videos sa Youtube. Tumawa na naman kami ng tumawa.

Tinawagan namin si Emong para hiramin ang videocam nito. Hindi naman kami nabigo sa pangungulit kay Emong. Kailangan kasi namin ng videocam para sa project namin ni Arvin. Personal na project, hindi para sa school.

Bukas, dahil sa isang final exam na lang at tapos na ang 1st trimester ko, maaga akong makakalayas sa school. Magkikita kami ni Arvin sa loob ng PUP. Gumawa pa siya ng sketch sa Paint para malaman ko kung saan siya tatambay bukas, 9:00.

Maya-maya, naramdaman na namin ang antok kahit sanay na sanay na sanay na kaming dalawa sa puyatan kaya umuwi na siya at bumawi naman ako ng limang oras na pagtulog.

Vin Y JonellTrackback: Ito ang ginawang logo ni Arvin noong fourth year high school kami. Kung sakaling may makita kayong ganyan sa tabi-tabi, ibig sabihin, naghahasik na kami ng krimen!
Viva Vin Y Jonell!

27 Tugon to “One year later.”

  1. yves said

    yun pala yung project na cnasabi mo heheheheh good luck… and sana tumagal pa yung friendship ninyo dalawa heheheh baka naman hmmm

  2. byron said

    >,< hmmmmm

  3. Darren said

    uhm jonel keep ur good beleifs nlng and wala talaga aq masabi promise hehehe basta antalitalino mo nd tuloy mo lang din yan ok?🙂

  4. byron said

    hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

  5. Carlo said

    ….masa2bi q lng seo na ang bait mo taz ang talitalino mo paH….sana wag ka magbago ugali mo….sana maging klasm8 paH…cgeH pare…yan muna mas2bi q seo….aDd mo nga aq sa friendster…e2 carlo2301@yahoo.com.ph

  6. Benjie said

    snay pla kau sa puyatan ah, umiinom ka pla ng beer… d kc halata eh, hehehe… glingan mo ulit next term ah, ska mgpp2ro ulit kmi sa programming… la na ko maicp eh, cge na…

  7. tian said

    uhm.. jonel thx nga pla ng mdme! hehe.. senxa n qng ngaun lng me comment ^^.. pa2turo lng me sayo qng my ndi me maintindihan ah! ^^ hehe ang gling mu kc eh.. cgeh d2 nlng tol..kta nlng pOh tau sa skul.. khit ndi n tau mgkblock..good luck nga pla sa project nyo..

  8. chrisdocot said

    ambiguous? jeez, i shun that. nyahahaha!

    Paurong: Hindi ko naintindihan yun ha. Hahaha!

  9. stick said

    is this fiction or what?

    Paurong: Hindi yan fiction, kung iniisip mo mang fiction yan. Lahat na lang ba ng isinusulat ko fiction? Bakit mo nasabi?

  10. ^^ hindi yan fiction. parang dati lang eh pati kami ata, nadamay sa away niyo. haha.

    Paurong: Ang galing mo nga kasi. Alam mo kapag fiction, alam ko kapag totoo. Ang hindi ko lang maintindihin e kung bakit mo sinasabing nadamay kayo or something. Ang weird nun ha.

  11. di ako mgaling sa 02jam…😦

  12. jael29 said

    moda!

    Paurong: Huh? Ano po yun? Desolee, je ne comprends pas.

  13. zsasha said

    im hurting…

    Paurong: Hello. Please relate yourself to me!

  14. Sam Ting Wong said

    anniversary nyo?

    Paurong: Pakiusap. Magbasa.

  15. marj said

    weh, totoo ba yan?

    Paurong: Mukha bang hindi totoo? Tae naman o.

  16. Sam Ting Wong said

    asar ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Paurong:😦 lagi naman e.😦

  17. Earlmond said

    ah kaya pala alas 7 ng umaga eh tinawagan niyo ko.. naku.. may mga muta pa ko nun… ah okei kaya pala etong si jonell bigla na lang akong iniwanan sa fone gabi ng sabado at lumabas.. naka-ilang tawag ako pero ang lola niya ang nakakasagot at sabi nitong lumabas.. un pala un.. wow thanks for being that kind na nangiiwan sa fone/.. wahaha,, kala naman xa.. wahaha.. basta.. hay naku, wala rin naman nangyari ngaun eh… bigla kcng nawawala yang vinoy na yan.. tae … well, sasabihin ko lang senio, totoo lahat toh.. at napatunayan ko un dis morning.. dahil nagkita kami ni arvin kanina.. nagpakita pa ang tae ng mga cards at tricks… mejo mangha, pero di pahalata.. wahaha,, basta.. maniwala kau.. totoo toh… oi xine.. buti pa si PS… nako..

    Paurong: Nako. Paepal naman sa pagcomment tong isang to.

  18. Joanne said

    yikee… besprens sila..😀

    Paurong: Sino naman? Nako.

  19. dEe said

    haiz. sa wakas naging masaya ka na naman. kahit hindi mo sinabing msaya ka, alam kong masaya ka… teka diba sabi mo hindi ka umiinom, nakks naman… magdamagan yan ha hahahaha!

    Paurong: Masaya? Kelan pa napasok sa buhay ko ang salitang yon? Hindi naman talaga ako umiinom e. Hehehe. Hehehe. Magdamag, ano naman? Minsan nga lang e. Minsan. Haha. What a word. Yung CD nasan na?😦

  20. haha. pinag usapan din kasi namin yan nina dianne.. tapos paemote emote ka pa na mag-isa ka na lang.. yung ganun..

    ayon sa inatendan naming ACLE ni tim(wag mo na tanungin kung ano yan.. basta klase yan)

    sabi ng filipino prof samin, putting some events in your life on your blog.. creates a PSEUDO EVENT.. actually, wala naman dapat kaming paki sa away niyo, pero naapektuhan kami kasi binabasa namin ang blog mo. GETS?

    btw, gagayahin ko yung style mo sa pagsagot ng comments.. nagpaalam ako sayo ha..

    Paurong: Kelan ba naman kasi ako hindi naging emotional. Ganon naman talaga ako diba. Alam mo naman yun diba. Alam mo naman yun diba? Hay nako. Ayun nga. Masyado akong nagdadrama noong unang panahon. Pasensya na.

  21. hindi na. ang hirap niya pala gawin

    Paurong: Mas ayos kasi kapag ganito, diba?

  22. stick said

    parang kang basagulero na pinasosyal. english-speaking-basagulero. duh. nang-gagago ka na ngayon. you’ve changed.

    time for a character-check-up.

    Paurong: Basagulero pala ang tawag mo sa akin. At kelan ako nanggago?Ang sakit mo nang magsalita.

  23. stick said

    duh. bakit ko nasabing fiction yan? spell C-R-Y-W-O-L-F. alam mo yung story na yan?

    Paurong: Pasensya na. I don’t read stories anymore. At sinasabi ko sa’yo ulit, hindi ito fiction. Kung fiction ito, ano na lang ang mas matatawag mo sa akin kaysa sa pagiging “basagulero at mangagago”? Baka “ilusyonado” “imbentor ng kuwento” or something….

  24. dianne said

    tumawag ako. babae ang sumagot.

    we’re falling apart. shocks.

    Paurong: Ano naman kung babae. Ako lang ba ang tao dito sa bahay? Pinasan ko siguro yun. Ano’ng problema do’n? At ano naman yang falling apart na yan? world trade center ba tayo or something?

  25. dave said

    🙂 sarap talaga ng reunion.

    (ganda naman ng timing ng background music ko, yung mga pang-reminisce pa naman, senti mode na tuloy…)

    Paurong: Re plus union. Union again.

  26. Sam Ting Wong said

    kilala ko pala si emong, pero hindi niya ako kilala.

    Paurong: Sabi niya nga. Hehe.

  27. abbie said

    ahhh…kaya pla tinawanan mu lng ako nung ngtatanong aq sayo nung magkita tayo sa pup…

    Paurong says: Tinawanan?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: