Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

001 – Panagimpan.

Posted by Paurong sa Huwebes, Setyembre 13, 2007

The Fiction Writer

Ayon sa huling librong nabasa ko, malaking epekto ang mga iniisip ng isang tao bago siya matulog sa kung anuman ang mapapanaginipan niya sa gabi. Napatunayan kong totoo ang pahayag na iyon dahil sa nakangiti akong nagising ngayong umaga.

Sa panaginip kong iyon, pagkagaling ko sa isang malaking laro ng basketball, bilang ako ng bilang ng pera–maraming pera. Nakaupo ako sa maliit na upuan sa labas ng pintuan ng bahay namin. Hindi lang ako ang nagbibilang ng pera. Pati si Nanay at si Tatay, nagbibilang din. Maging ang kaisa-isa kong kapatid na si Shiela na labintatlong taong gulang na bukas.

Siguro nga, puro pera ang nasa isip ko kagabi. Hindi naman masamang mangarap, diba? Simpleng pamilya lang naman kami. Simpleng buhay. Si Tatay nga, napapadalas na ang pagtaya sa Lotto. Si Nanay naman, hayun, panay pa rin ang pagdarasal na manalo si Tatay. Uulitin ko, hindi masamang mangarap. Kaya ako, panay lang sa pag-aasam ng pag-unlad sa buhay. Nakakasawa na kasi ang ganitong klase ng buhay.

Bakit ba ako kailangang managinip ng tungkol sa pera? Marahil, dahil sa kailangan ko nito para sa lakad ko ngayong umaga. Kailangan kong makapag–

“Francis.” Sunud-sunod na katok ang bumasag sa aking mga isipin. “Francis, anak?”

“Po?”

“Nasa baba na si Justine, bilisan mo na diyan.”

“Sige po.”

Dinampian ko ng tingin ang orasan. 8:12 am. Umaga ng Lunes. Pagkatapos kong mailigpit ang aking kama, dali-dali akong bumaba upang salubungin ang aking bisita.

“Bilisan mo namang kumilos. Aabutan tayo ng trapik sa daan,” paghihimutok ni Justine na sa mga sandaling iyon ay bumubuklat ng mga magazine sa ilalim ng lamesita sa sala.

Dumiretso ako sa hapagkainan upang mag-almusal. Tinabihan ako ni Nanay na nauna sa aking makababa ng hagdan.

“Tulog pa rin si Shiela? Ayos ha.”

“Hayaan mo na kapatid mo. Sa pasukan, high school na ‘yan, masusubsob na ‘yan sa pag-aaral.” Dumako ang tingin ni Nanay kay Marvin. “Ayaw mo ba talagang kumain?”

“Ah. Ayos lang po, Tita. Kumain na ‘ko bago pumunta dito.” Hindi niya pinalagpas ang balingan ako ng tingin at pagalitan ako. “Bakit kasi nagpuyat ka na naman, tol?”

Nakasalpak ang pandesal sa bibig ko habang nagpapaliwanag. “Hindi ako nagpuyat. Hindi lang siguro ako nakatulog ng maayos.”

“Para namang hindi mo ‘to kilala, Justine,” ani Nanay. “Madalas gawing gabi ang umaga. Lagi na lang puyat.”

Ipinilit ko sa kanilang dalawa na hindi ako nagpupuyat. Sa pagkakaalala ko, alas diyes ako nakatulog kagabi. “Ikaw nga iyong palaging puyat, Nay. Panay ang text niyo. Puro na lang kayo text.”

Marahan akong hinampas ni Nanay. Napangiti si Justine. Nakangiti din si Nanay.

“Aba! Ako pa sinusumbatan mo ngayon,” laking gulat ni Nanay. “Nasa’n na nga ba ‘yung cellphone ko. Naiwan ko pa yata sa kuwarto ni Shiela. Teka nga’t kukunin ko.”

Tumindig si Nanay mula sa kinauupuan niya. Akmang patungo na siya sa hagdanan nang huminto siya.

“Bilisan mo ang pagkilos mo. Matatagalan kayo niyan sa school,” sabi ni Nanay sa kanyang karaniwang sundin-mo-ako-ako-ang-nanay-mong tono. Dumako ang mga salita niya sa kaibigan ko. “Sigurado na kayo sa sasakyan niya, ha?”

“Opo.”

“Delikado na.”

“Malaki na kami, Nay,” sabad ko.

“Kahit na. Malaki, maliit, delikado pa rin ang mundo.”

Nakita ko sa tingin sa’kin ni Marvin ang pagkasuklam sa kasiguraduhan ni Nanay. Nagbato ako sa kanya ng isang tinging nagsasabing “Hayaan mo na” habang nagpatuloy na sa pagpanhik si Nanay.

Binilisan ko talaga ang paggalaw ko kaya sa loob lang ng labinlimang minuto ay nakabihis na ako. Nakalimutan na ni Nanay ang bumaba. Marahil, naidikit niya na ang kanyang mga kamay sa kanyang cellphone. Pinuntahan ko siya sa kuwarto ni Shiela at nagpaalam na aalis na kami ni Justine.

Lunes. Ikasiyam ng umaga. Madali kaming nakasakay ng jeep. At madali rin akong binawi ng antok ko sa biyahe kahit na nakasalpak sa isa kong tainga ang isang earphone ng MP3 player ni Justine.

16 Tugon to “001 – Panagimpan.”

  1. marj said

    agree aq dun sa sinabi mong kung ano ang inisip mo before matulog ay maaring may connection sa panaginip mo.. =) sabi yan ng prof nmin sa psych🙂 nyahaha..wla lng..

    Paurong says: O diba. Ikaw lang naman ang hindi nanininiwala sa akin e. Hahaha!

  2. marj said

    ung una lng ung binasa ko..

    Paurong says: Paano mo malalamang nasa kuwento ka kung hindi mo babasahin. Bahala ka nga. Magsisisi ka sa bandang huli. Basahin kasi para malaman. Kunektado ka. Lagot ka.

  3. giL said

    uhmm,ang gling m chong,,hehe!<,pgpatuloy m lng yn mga nobela m,,hehe!,tska malay m balang araw sumikat yn,heheheh!,ge chong!,gudluk!…=p

    -giL

    Paurong says: Wow. Salamat chong! Nagcomment ka. Sayang di na tayo magkaklase next term. Ayos lang yan! Hehehe. Salamat talaga!

  4. Mary Grace said

    yehey, nagsusulat na uli sya, inspired?

  5. Joanne said

    Next chapter please…😀

  6. bato.pik said

    dumaan. at dadaan uli sa sunod..

  7. leo said

    now i know kung bakit ka kilala ng mga “writers” na classmates ko when i was in third yr hs…next page! :p

  8. dEe said

    napakagaling mo talaga tol. ibang-iba ka talaga sa lahat – pakiramdam ko maganda ito – asan na yung isa, yung Bahala na si Francis? naiba na naman ata. haiz. eniweiz ituloy mo na ito please lang ha!

    masaya ka na siguro.

  9. asan na yung header ko?

  10. ^^ hindi niya yan maitutuloy, i tell you!

  11. tresa said

    Magaling talaga ang skills mo sa pagsulat! Go Jonnell~! At sabi mo, ang dami nung akin>? Hahahah!! Eh parang encyclopedia ‘tong sa iyo! Anyway, sulat lang ng sulat!!😉

  12. Mary Grace said

    Bahala na si Francis = Si Francis ang Bahala?

  13. † Francis † said

    nice!
    more more more!
    wui…
    c ate tresa ba un?
    hi ate!
    hehehehe!
    once again…
    more more more!
    pasok mo ulit c VIEIRA…

  14. Joanne said

    sinong francis ‘to? c mars?

    Paurong says: Si Mars nga.

  15. † ƒrancis † said

    ako nga…
    may angal ka jo?
    wahehehehehe!!!
    ^.^

  16. badeth said

    bitin and kwento sana habaan mo0 pa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: