Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Marimar Episode 29 (September 20, 2007).

Posted by Paurong sa Huwebes, Setyembre 20, 2007

Marimar Episodes

Kinuwestiyon ni Esperanza kung bakit sa San Martin dela Costa pa nag-invest si Gustavo gayong malapit ito sa lugar na pinangyarihan ng plane crash ilang taon na ang nakalipas. Ayon kay Gustavo, malapit sa puso niya ang lugar na iyon dahil doon namatay si Lupita at nawala si Mari Mar.

Samantala, ikinabigla ni Mari Mar ang pagkarinig sa usapan nina Lolo Pancho at Lola Cruz tungkol sa hindi niya pagiging tunay na apo sa kanila. Sinabi ni Lola Cruz na nagbibiruan lang silang mag-asawa ngunit hindi ito binili ni Mari Mar. Ipinilit niyang mayroon siyang karapatang malaman ang katotohanan at makilala ang kanyang mga tunay na magulang. Hanggang sa umabot sa sukdulan ang sakit sa puso ni Mari Mar, nataasan niya ng boses ang mag-asawa nang idiniin niyang nagsinungaling at niloko nila ang itinuring nilang apo. Sinampal ni Lolo Pancho si Mari Mar.

“Kinupkop ka naming parang kadugo,” ani Lolo Pancho. “Tapos iyan ang igaganti mo sa amin. Wala kang utang na loob,” Hindi napigilan ni Mari Mar ang kanyang emosyon kaya siya tumakbo palabas ng kubo.

Dapat lang na malaman ni Mari Mar ang katotohanan, wika ni Lolo Pancho. Nanatiling galit si Lola Cruz sa asawa dahil sa nangyari.

Pumunta si Mari Mar sa dalampasigan at doon ipinagpatuloy ang pagdaramdam. Nang papaalis na siya, nakabanggaan niya si Esperanza. Nang dumating naman sa dalampasigan sina Lolo Pancho at Lola Cruz, nakita nila si Gustavo.

Sa Macau naman, matapos maihanda ang lahat para sa ensayo kinabukasan, niyaya ni Dino si Sergiong pumunta sa kalapit na bar, ngunit tumanggi ang huli at sinabing naroon siya upang manalo para sa asawa niya. Nagpumilit si Dino. Kailangan daw nilang pumunta para kay Kim Chan, ang kanilang galanteng host. Kaunting PR lang daw ang kailangan at malay nila kung taasan ni Kim Chan ang premyo. Tinawagan ni Sergio si Mari Mar ngunit hindi niya ito makontak. Tinawagan niya si Arturo upang tanungin kung naibigay na ba nito ang cellphone na ipinabibigay niya kay Mari Mar. Nagdahilan ang dakilang si Arturo at dali-daliang pinatay ang telepono. Sobra-sobrang pagtataka ang gumuhit sa kanyang mukha.

Sa suot niyang puting damit, malaking pulang sinturon, mataas na pulang sapatos, at pulang mga labi, hindi maitatangging kaakit-akit si Ms. Kim Chan (Cristine Reyes). Sinabi niya kay Sergiong isa siyang half-Filipina at isang ‘big fan.’
Ipinaalala ni Sergio kay Ms. Kim Chan ang paglalaro nila ng poker. “…poker party sa suite ko. Tayong dalawa lang,” bulong ng dalaga. “I like my parties to be private, lalo na ‘pag gusto kong mag-strip poker.”

Tumanggi si Sergio at lumayo. Pagbalik niya kay Dino, kinontra siya ng kaibigan. “Iniwan ko na’ng asawa ko. The least I could do is be faithful.”

Kasama si Nicandro, pinasok ni Angelika ang kuwarto ni Arturo at ipinakita nila ang scrap book na nakita ni Perfecta sa cabinet ni Arturo. Umalingasaw ang katotohanang bakla si Arturo at may gusto siya kay Sergio, lalo na’t puros larawan ni Sergio ang nakadikit sa aparador niya at maraming sulat-pag-ibig ang nakatala sa scrap book. Nabuko na nga si Arturo! Handa si Angelikang itago ang katotohanan kapalit ang kondisyong ititikom ni Arturo ang kanyang bibig tungkol sa mga plano ni Angelika kaugnay sa hindi pagbigay ng cellphone kay Mari Mar.

Nang tumawag si Sergio kay Arturo, hindi sinabi ng huli ang katotohanan tungkol sa kalagayan ni Mari Mar. Matatandaang pinalayas na ito sa Villa Santibañez dahil sa umanong pagtulak niya kay Angelika sa hagdan. Labag man sa loob ni Arturo ang pagsisinungaling at pagtatago sa kanyang amo, wala siyang ibang nagawa kundi ang sumunod sa Senyorita Angelika niya kung ayaw niyang hindi na mapag-aral ang kanyang mga kapatid na tinutustusan ni Renato, at higit sa lahat, hindi makarating kay Sergio ang lihim nitong pag-ibig.

Nakiupo si Mari Mar sa isang paniderya. Naging mabait sa kanya ang tindera upang bigyan nito ng tinapay ang dalaga. Biglang napapikit si Mari Mar. Sa-darating si Padre Porres at dinala nito si Mari Mar sa simbahan upang makapagpahinga ito. Sinabi nito kay Mari Mar na magpapadala na lang siya ng sakristan sa isla upang malaman nina Lola Cruz at Lolo Pancho ang kalagayan at kinaroroonan ng kanilang apo. “Hindi pa ako handang harapin sila,” pagmamatigas ni Mari Mar.

Napag-isa sa simbahan si Mari Mar at doo’y nanalangin siya.

“Hindi ko alam kung ano ako,” sabi niya. “Ang dami kong gustong malaman pero parang walang kasagutan. Panginoon, tulungan niyo po akong maibsan ang sakit dito sa puso ko. Panginoon, kailangan ko po ang asawa ko. Kailangan ko po si Sergio. Panginoon, ‘di ko po alam kung nasa’n siya, pero sana po tulungan niyo ‘ko na iparamdam sa kanya na nangungulila ako sa kanya, na sana po balikan niya na ako. Panginoon, mahal na mahal ko po si Sergio.”

Humantong sa kasaklapan ang isipin ni Mari Mar. Pumanhik siya sa tore ng simbahan at nagnais na magpakamatay.

“Sergio, Sergio, nandito ako.”

Sa eksaktong panahong iyon ay nag-eensayong mangarera si Sergio. Mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan. Kasabay nito ang takbo ng kanyang pag-aalala sa iniwang asawa.

“Kung magiging ganito lang din ang buhay kung malayo sa’yo, ayoko na. Ayoko na, Sergio. Sergio!”

Si Fulgoso ang nagpaalarma kay Padre Porres na panhikin sa tore si Mari Mar. Kinausap niya ito ng masinsinan at sinabing hindi solusyon ang pagpapakamatay sa problema nito. Hanggang sa duguin si Mari Mar at dahan-dahang nawalan ng malay.

ABANGAN BUKAS

Ang pinakaaabangang eksena kung saan nakasakay si Angelika sa kabayo. Tatanungin niya si Mari Mar kung hanggang saan ang kaya nito para kay Sergio. Dito ipahahalik ni Angelika kay Mari Mar ang kanyang sapatos. Ilalabas ni Angelika ang pulseras ni Mari Mar at ihuhulog ito sa putik. Uutusan niya si Mari Mar na kunin ang pulseras sa pamamagitan ng bibig nito, at ididiin ng paa ang mukha ni Mari Mar sa putik.

4 Tugon to “Marimar Episode 29 (September 20, 2007).”

  1. Joanne said

    ang adik mo talaga sa Marimar.

    May pinag-iba ba ‘yung Marimar ngayon sa story ng Marimar na ipinalabas noong ‘bata’ pa ko?’

    Paurong says: Aba malamang meron. Manood kasi nang matuto ang ‘bata’…

  2. tresha said

    marian mustana u
    pwedebang makipag bigan sa u
    adresskoay negros sts mesa

  3. tresha said

    marian pwedebang makipag kaybigan sa u
    idol kasikita pagbig yan mona ako

  4. tresha said

    ffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffffkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk

    kkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk

    marian papatayin kita tandaanmoyan
    abanga kita sa brodway

    marianpapatayin kita abangan kita sabrodweay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: