Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Talumpati.

Posted by Paurong sa Biyernes, Setyembre 21, 2007

Nagtext si Mary Joy kagabi (11:40 pm). Gawan ko daw siya ng 3-minute na talumpati. Sabi ko naman, “Hala. Ni hindi ko alam yun.” Pero sige na nga. Try lang naman, eh. Hehehe!

SA KABATAAN
Talumpati ni Jonell Estillore

Titibok. Dug dug, dug dug, dug dug. Titibok ang puso at magsisimula ang isang buhay. Isang buhay na pinagpala. Isang regalong walang sinuman ang makahihigit. Dug dug, dug dug. Ang pusong natatangi ang pintig. Ang pusong sumasakay ang tunog sa mga ulap sa langit.

Binigyan ka ng hininga. Upang makapagpatuloy, kailangan mong huminga. At sa paglipas ng mga araw, darating ang isang pulutong ng bukas, at aanurin ka ng rumaragasang oras. Malulunod ka, ngunit–hihinga pa rin. Tulad ng ibang nilalang, gaya rin ng halamang umuugat sa lupa, lalaki ka at magpapatuloy ang pag-inog ng panahon sa iyong ulo. Sa bawat pagmulat ng iyong mga mata ay masisinagan mo ang kagandahan ng regalong ibinigay sa iyo. Hindi ka makapaniwala sa dami ng sangandaang maaari mong bagtasin.

Napunta sa iyo ang lahat ng iyong kailangan at gusto. Walang bagay ang hindi mo nakuha sa isa mong salitang kasintatas ng sa isang hari. Sa pagmamadali mo, binilisan mo ang iyong paglakad. Hindi ka nagdahan-dahan! Huwag mong sabihing walang nakamasid sa iyo sa hinaba-haba ng kasaganaang isinalang sa harapan mo! Ang iyong pagkadapa sa malaking batong iyan ay kagagawan mo at hindi ng mga taong nagmamahal sa iyo.

Ano nga ba ang alam mo sa pagmamahal?

Nakapikit ka nang ikaw ay pumili. Nakapinid, hindi lamang ang iyong paningin, ngunit pati na ang iyong kamalayan at diwa. Dinakma mo ang daigdig at itinapal ito sa iyong mukha upang hindi mo na makita pa ang kadalisayan ng kuwentong ikaw mismo ang may akda.

Ang tibok ay unti-unting napata. Nahapo ka, at nawalan ng hininga. Tapos na ba ang paghihirap mo? Wala ka na bang dapat takasan pa?

Ikaw. Oo, ikaw. Ikaw ang gumuhit ng sarili mong landas. Ikaw ang bumaybay sa salitang “buhay” — subalit nawalan ka na ng malay bago mo napagtantong ang mundo mo ay “buhay”.

Oct. 1 — AUTHOR’S NOTE: Please comment. Kung gagamitin man ang talumpating ito, sabihan niyo lang ako. Maraming salamat.

38 Tugon to “Talumpati.”

  1. Joanne said

    ouch! tinamaan ako. ewan ko kung bakit. hehe.😀

    ang ganda! speechless ako.

    (I read the whole entry today. Hindi ako nag-skim. Promise!)😀

  2. EMONG said

    ano toh?

  3. Erika said

    can i use this for my filipino class? we’re suppose to recite a talumpati and yours is good. so can i? please? hehe. thanks.

  4. triageur said

    hindi ka pa prepared nyan ah hehe.. galing.. bravo!🙂

  5. Black Wolf said

    Youre a certified talumpatiro.

  6. Mary Grace said

    nabasa mu na ba yung Growing Up ni Russell Baker?

  7. telecast said

    astig…gamitin q lng pra sa recit8n nmn…a very nice piece…

  8. erik said

    ganda pahiram ah hehe

  9. cybelle said

    woi…..d q gaano na.intindhan,pero,pahiram ha?

  10. khrix said

    **–~,…whoa can i use thiz??
    **–,…am going to break a leg tomorrow….
    **–,..my forte is english speech and oration not filipino

    **-~-~..so thiz iz useful and look itz modernizE,…

    **thanX**

  11. cheyserr said

    hai…pAhirAm huh???

    rectation nmin nXy weK..heheheh

    gaNda,,paHiram ulit///tnx

  12. jaymz said

    pllssssssssss..magpapagawa sana ako ng talumpati tungkiol sa “araw ng pasko” maraming salamat po..aasahan ko po ang inyong reply

  13. fluffy said

    ei..
    pwede ko bng mahiram ang iyong talumpati?
    hehe.
    finals namin sa filipino diz tuesday..
    and i dnt know wat 2 do…
    aaahh..
    pro pwede mo rin me gawan..
    if u lyk…
    hehe. pra mas hapi..
    ^_____* tnx!

  14. armhie said

    eow.. can i use this for my talumpati?/

    aun tnx napakaganda kc..

  15. ajixx said

    ahm me again looking for another talumpati haaayyy

    i think im going to make my own but im going to get some of your ideas

    tanx

    ur speech is magnifico

  16. zeyf said

    ui hingi ko talumpati u…hmmmp…….tnx n lng

  17. zeyf said

    dddandkiwiaknai

  18. Princess said

    …halu poh…nice gud poh mxado ang ginawa moh!!!
    nakaka nspired poh mxado xa mga teenz… xana gawa na nman poh kau 4 d parentz… {mga teenz outder relize ol na nkaxulat sa “talumpati”}
    Tnx poh!!!…more power and God bless!!!🙂

  19. gabriela said

    ang super galing bravo at brava talaga! gagamitin ko iyan para sa pag recite namin sa pilipino class! kailangan ko iyan memorizan!!!

  20. marj said

    nako! gumagawa ka pla nyan, sana pala nagpagawa nlng ako sau,.,.ang panet tuloy ng akin..haha, igagawa mo nga ba ako?

  21. chad said

    ei!!poh pwede po bang magpagawa ng maikling talumpati tungkol poh sa labis na nagmamahal na lalaki pero anumang gawin nia ay ayaw sa kanya ng babae…
    plz..poh kelangan ko poh talaga hangang tuesday lng poh pwede…aasahan ko poh iyan…

  22. chad said

    plz………….poh (^_^)tnx kung magagawa nio!!!!

  23. chad said

    elow poh!! ano poh pwede poh bng magpagawa!!

  24. chad0406 said

    hi!!! poh pwede poh ba!!!plz….

  25. chad said

    ako rin poh iyon!! si chad0406 account ko poh iyon d2!!!

  26. chad0406 said

    ah!! ako poh si richard jimenez tga aringay,la union poh ako!! kau poh!!!

  27. chad0406 said

    ah!! pareho poh tayo ng gulang cenxa poh
    nakalimutan ko!!! log out na poh ako kc gbi na poh eh bukas na lng!! bago poh ola ako mag log out pwede poh ba mag pagawa ng talumpati!!!

  28. ruzz said

    `fit 2 mah topic..
    i wil use it tom.4 our
    talumpati..tnx
    helP a lot..

  29. angel said

    hi der.. :0

    can u give me sum info about urself.. ur autobiogaraphy.. kylngn lang sa project ko for fil.. thanks.. asap..

    Paurong: Hi Mylene! You can reach me through YM. My ID is gusot2007. I’ll wait for you.

  30. Mheo said

    grabe, bow ako dun, ang galing mo tsung, happy ako kasi nameet ko ung isang tulad mo, ipagpatuloy lang yan, may mararating ka. keep in touch.

  31. ronny said

    Ang ganda!!! tnx dhl anggaling mo gumawa

  32. samia said

    thanx soo much..hulog ka talaga ng langit.!! maraming salamat.

  33. oh my! said

    ganda..!
    pagmt aq ah..

  34. chedong said

    pahiram po ako nito kasi ang ganda eh tpos maikli pa kasi gagamitin ko sa filipino class ko kailangan mag recite ng talumpati ehehehehe eram tnx….

  35. JM! ^^ said

    do you have somthing about “Global Warming” or “pagtitipid ng kuryente?

  36. nix said

    mGandA !! sobra.. gumawa kpa bago ung excellent na talaga na as in 100000/100000 as in perfect na makuha kmi sa finals ng competitions ng talumpati. ui. email me sa bago mong talumpati. sana manalo ako sa talumpati mo. hahahahah. thanks ha !!

  37. sheEeHh said

    gAnda tlga…bOrRow po aq huh…i need 4 our fLpno cLass…tHnx..

  38. jhino said

    i will use this for my prelim exam. thank you!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: