Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Limang Minuto.

Posted by Paurong sa Biyernes, Setyembre 28, 2007

Tiniyak niyang nakasara ang pinto bago niya binuksan ang ilaw sa kanyang kuwarto. Tinuyo niya na ang kanyang basang katawan. Nahiga siya sa kanyang kama at matagal na pinagmasdan ang kisame. Inilapag niya ang kanyang tangan sa sahig. Dumako ang kanyang paningin sa litratong nakatayo sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang higaan. Pinilit niyang ngumiti.

Kasama niya ang isang babae sa litrato. Kani-kanina lang ay kasama niya ang babaeng iyon. Sa ilalim ng ulan, nag-usap sila ng masinsinan. Tahimik lang siya habang kinakausap. Walang salitang namutawi sa kanyang bibig sapagkat ang kirot ang namayani sa kanyang damdamin.

Nakatatak pa rin sa kanya ang pangalan ng babaeng iyon ngunit ayaw niya na itong alalahanin pa. Sa pagkakatitig niya sa larawan, muli siyang napangiti. Bumalik sa kanya ang lahat ng mga araw na magkasama silang dalawa. Bumalik sa kanya ang bawat sandaling puro siya ang nasa utak nito. Kabilang na ang gabing iyon.

Kani-kanina lang, naging saksi ang buwan sa nangyari sa ilalim ng malakas na ulan. Kasusundo lang ni Franz ang kanyang girlfriend na si Bernadette. Buong gabing iyon na magkasama sila, malamig na nakitungo ang dalaga kaya lubos na nagtaka si Francis. Malapit nang bumuhos ang ulan nang magpasya siyang tanungin si Bernadette na noon ay nakatungo, waring malayo ang inaabot ng pag-iisip.

“Ano ba’ng problema?!” Kitang-kita sa mukha ni Franz ang pagkainis sa kinikilos ni Bernadette, ngunit tulad ng inaasahan, hindi kumibo ang dalaga.

“Kanina ka pa ganyan,” bumalik sa normal ang tono ni Franz. Naramdaman niya ang pagkagulat ni Bernadette sa pagsigaw niya. “Puwede mo namang sabihin sa’kin, diba?”

“Wala tayong payong, halika na.”

“Sagutin mo muna ‘ko.”

Tanging tunog ng kakaunting sasakyan ang humampas sa kanilang mga tainga. Sumunod ang mahinang tunog ng pagbagsak ng ulan.

“Umuulan na, halika na Francis.” Bihirang-bihira niyang tawagin si Franz sa buo nitong pangalan. Isa lang ang ibig sabihin, at tumagos ito sakto-empunto sa kamalayan ng binata.

ITUTULOY.

(nasa computer lab kasi ako. 2:20 pm na. 2:30 ang klase ko. mamaya na lang ulit.)

6 Tugon to “Limang Minuto.”

  1. zsasha said

    uyy…
    gling ako ng FEU knina…
    nanood kah bah ng DEUS EX MACHINAS…?

  2. dEe said

    kamustahin naman natin ngayon ito hehehe.
    galing mo talaga tol. hehehe. SUPER!

  3. Mary Grace said

    lq stuff huh.

  4. Joanne said

    wui, anong ginawa mo?

    kaya naman pala hiningi mo ‘yung email ad at username ko kanina.

    nako.

    tsk, tsk.

  5. stick said

    akala ko ba itutuloy? asan na yung kadugtong!

  6. leska said

    asan ung karugtong???=(

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: