Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

20 things i observing into school.

Posted by Paurong sa Lunes, Oktubre 1, 2007

Ginawa niyo naman akong bobo sa English dahil sa title ko. Hayaan niyo na lang kasi.

1. Lahat ng tao may cellphone, ako lang ang wala.

2. Hindi maiiwasang masabik sa unang araw mo sa kolehiyo.

3. Hindi lahat ng unang kaibigan sa unang araw mo sa kolehiyo ay nananatiling kaibigan hanggang sa huli.

4. Kapag nakasagot ka sa English class mo, ikaw na palagi ang tayo pagdating sa may kinalaman sa English.

5. Hindi lahat ng nagtataas ng kamay tuwing recitation ay may tamang sagot.

6. Hindi lahat ng scholar ay matalino.

7. Importante ang pagsusuot ng jacket kung ayaw mong mamatay sa lamig.

8. Sa CR ng lalaki sa Fourth Floor ng Annex Building, hintayin ang pagbukas ng pinto bago ka lumabas upang maiwasang hawakan ang doorknob na basang-basa dahil sa paghawak dito ng iba’t ibang kamay. Mas maiging itulak na lang ang pinto pagkabukas nito.

9. Mataas ang trajectory ng tubig sa drinking fountain sa Fifth Floor ng Technology Building. Hinay-hinay lang sa pagtapak.

10. Sa Education Building at Nursing Building sa FEU-Main, nakakatawang makipagsiksikan sa loob ng elevator na may electric fan sa loob.

11. Kung natatae ka, puwede mong gamitin ang CR sa 9th floor ng Technology Building. Maluwag at saka kaunti lang ang gumagamit kasi nga tuktok.

12. Hindi ka pwedeng mamili ng magiging professor mo at mas lalong hindi ka pwedeng mamili ng magiging kaklase mo.

13. Walang pumunta sa naganap na Sports Writing Exam para sa school publication.

14. May internet man ang 120 units ng Computer Lab, kapag may estudyante sa bawat isang computer, mabagal ang connection dahil sa division nito.

15. Mas maraming guwapo kaysa maganda. Karamihan sa kanila, nakatayo ang buhok. Maraming emo. I love it.

16. Maraming loner, isa na ako do’n.

17. Bawal mag-ingay sa library. Bawal matulog sa library. At higit sa lahat, bawal magnakaw ng libro sa library.

18. Sa katitingin ko sa lahat ng estudyante, kabisado ko na ang bawat features ng mga mukha nila.

19. Kung hindi ka mag-aaral ng programming sa sarili mo, babagsak ka sa INTPROG.

20. May mga taong hihilain ka pababa kapag nalaman nilang balakid ka sa katagumpayan nila sa pag-aaral.

15 Tugon to “20 things i observing into school.”

  1. ewanko said

    ist sentence: yan din sinasabi ko dati. pero ngayon di na, may cellphone na ko eh.

    FEU ka ba?

  2. McRey said

    Hahahaha…

    Gusto ko lang magdagdag

    sa 2nd floor po ng Annex ang dagging place ng mga estoodents…

    Natawa naman ako sa annex cr…ako rin minsan hinihintay kong may maunang magbukas ng pinto…nakakadiri kasi yung door knob…

    haha…

    talagang may complete episode ang marimar ha…

    Madami ba silang pinalitan sa storyboard ng marimar? nakakalito…

  3. dEe said

    wow naman. trip ko na naman tuloy mag-aral na talaga dahil nasasabik nga ako talaga hehehe. napapanaginipan ko pa nga eh. hehehe.

  4. Joanne said

    sobrang totoo ‘yung number 3. AS IN SOBRA.😀

  5. Lui said

    hehe correction lang kaibigan:

    number 9 hindi po sa Tech. Bldg. mataas ang trajectory ng tubig kung hindi sa 5th floor try mo minsan kasi kapag umiinom kamimg magbabarkada sa mga fountain sa skul pinakanapapansin namin ang 5th flr Tech dahil nga andun na yata yung pinakamalakas na trajectory ng tubig…nyahahaha

    number 11 actually yung 9th floor sa tech tuwing gabi lamang yun magagamit sa pagtae (around 6pm to 9pm depende kung hindi pa nagiikot si Manong Guard) kasi originally para sa mga higher batch sa 2nd floor Men’s CR sa Annex tumatae nung wala pang masyadong gumagamit nun actually kahit hanggang ngayon meron pa din lalo na kapag bago magcleaning time kinakausap nila si Kuya na taga-Reliance para bigyan sila nang sapat na oras para gawin ang pagtae(kasi most guys ang nakakaramdam ng mga outside forces sa tiyan nila)…nyahahha ayun info lang…

    hehe natawa ako sa number 13…heheh

    keep it up ^_^

  6. tinsters said

    #1 ako rin walang cp nung 1st year ako hehe…
    #9 sa 1st floor sa adu mataas din ang trajectory ng tubig kaya di ako umiinum dun haha….
    #11 laughing trip….😆

  7. grazzia06 said

    keen observer….

  8. haha.. um, here here..an entity from the main campus…

    haha..keep blogging..Gb!

  9. darrel said

    ano ba yan? prang hindi nmn totoo, sana pag nagpost kau ng comment, saa may moral lesson nmang mkuha ung ngbabasa, tulad nito…

  10. emong said

    ah. wow. bulgaran ng kabahuan ng skul. ako din kaya.200 p u.. haha

  11. soulwhohatesherownworld037 said

    ung no. 5, d best. para s mga taong paimpress na wala namng ibubuga…papancn lng…hayz. andaming ganun sa OB montessori. dun kc galing ung clasm8 kong kaparehang kapareha nung no. 5.

  12. Altea Gutierrez said

    ako ninerbyos pa ata ako imbes na nasabik nong unang araw ko sa kolehiyo. T_T

    #15!! i love it too! hahahah^^

  13. malawak pa ang mundo.

  14. Altea Gutierrez said

    damn. i agree.

  15. nhasra said

    hahaha!!!totoo yan.. i like the no. 13…😛 lolz!!! korek ka din sa n0. 15!!🙂 i love it too!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: