Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Ikaw at ang umaga.

Posted by Paurong sa Sabado, Oktubre 13, 2007

Kanginang hindi pa nayayakap
Ng araw ang umaga,
Habang sa pagtulog mo’y
Tinatakasan mo ang diyablong
Ang ngalan ay bangungot,

Samantalang animo’y isang dangkal
Ang layo ng puso mo
Mula sa puso ko,

Matiyaga akong nakaabang
Sa aanti-antilaw
Na bukangliwayway.

Sa susunod na tagpo,
Wala na’ng lawiswis
Mula sa kanlungan
Ng nakalipas.

Sapagkat
May isang ako.
Walong milya man ang layo,
Isang gabuhok naman ang distansya
Sa mga yakap mo.

18 Tugon to “Ikaw at ang umaga.”

  1. Altea Gutierrez said

    minsan iniicp ko na sana para sa kin to..U_U btw, love it.

  2. Earlmond Sablaon said

    galing.. kahit malayang tula ito ay nakikita ko ang iyong husay.. ipagpatuloy. sana ay makagawa ka rin ng isang nobela. gusto ko ang iyong mga gawa!

  3. Gerald Pascua said

    tama na ang pagtangis
    pagkat bawat luha, anong pait
    dagdag-pasan sa pusong puno ng hapis
    sa umagang nalalapit-tayo’y kakapit
    at sa lungkot nati’y saan pa’t magbabatis
    pagsing-irog na walang katambis.

  4. Keep it up!

  5. galing naman, sobrang lalim, kahit tagalog dinudugo ako…
    hehehe…
    gud job….

  6. Kathryn Jed Muncada said

    sobrang lalim naman..di ko maabot..^^,
    but anyway…it’s nice…

  7. hmm… long distance relationship…

    ??

    mahirap yan iho..

  8. Altea Gutierrez said

    T_T iba ata pgkakaintndi ko..hndi long distance..anyway jonell, hi!! hehehhe

  9. jed said

    ung picture b??
    hmm??aus nmn xa..just right for the title…
    gawa m?? parng title lng ng play s theater..^^,
    mbsa nga yng story n yan..^^,
    more powers!God bless…

  10. Laging may bago dito a. Bagong post, bagon theme. Ngayon naman, bagong picture sa header which is great! Magkakaroon ba ito ng kwento? Thriller ba ito, drama, o horror?

  11. kwan said

    salamat sa pagbisita sa aking blog.

  12. Joanne said

    nakakadugo. (sana may emoticon na nosebleed)

    grabe.

  13. tula ang binabasa ko jonell..

    haha.

    ako at ang gabi.

    nakita kita
    kaninang umaga.
    hindi kita pinansin.

    nung gabi na
    nakita kita ulit
    pinansin na kita

    ngunit hindi mo ko pinansin.
    ayun, hindi tayo nagpansinan
    kaya kumain ako ng pansit.
    nanood ng pbb.
    nag internet
    natulog.

    kinabukasan
    nakita kita
    sa harap ng bahay namin

    isang malaking pala-isipan

    nagsalita ka
    niyakap mo ako.
    pero ako,

    deadma.

    wag mo kasi ako yayakapin habang nanonood ako ng tv.
    di talaga kita papansinin.

  14. Altea Gutierrez said

    wow. kewl.

  15. emong said

    parang di ka na nagrereply sa mga nagcocoment SAU?

  16. emong said

    hoiysters..

    a noisy noise annoys an oyster..

    wala lang.. tongue twister hehe

  17. not here. over there.

  18. emong said

    where?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: