Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Marimar Episode 47.

Posted by Paurong sa Miyerkules, Oktubre 17, 2007

Marimar Episode 47, October 16, 2007. Ang hirap gawin nito. Huuu..

SA MANSYON NG MGA ALDAMA.

(Sinamahan ni Esperanza si Bellang hanapin si Gustavo. Nadatnan nila itong kasama si Natalia sa sala.)

Esperanza: Gustavo… Gustavo, may sasabihin si… Ma… (Titindig si Natalia.) May sasabihin sa’yo si Bella–

Natalia: Ako muna’ng magsasalita! (Titindig si Gustavo.) Papa, alam ko no’ng una akong naiprinesenta sa inyo, nag-alinlangan kayo kung ako talaga ang tunay ni’yong anak. Pero, Papa, gusto kong patunayan ang sarili ko sa inyo, dahil sa wakas nagbalik na ang alaala ko… No’ng una tayong nagkita, naglalaro ako ng bola. Pinulot mo ito’t binigay mo sa’kin.

Gustavo: Natatandaan mo ‘yon?

Natalia: Tapos, sinabi mo sa’min ni Inay na, na dadalhin mo kami sa Maynila, diba? Tapos, do’n na tayo titira?

Gustavo: Oo, anak, tama ‘yon.

Natalia: Tapos sumakay tayo sa eroplano, binigyan ko kayo ng drawing: ikaw, ako, si Inay, magkahawak tayo ng kamay. Ang saya saya natin no’n. Pero biglang nagloko ‘yong eroplano. Natakot ako, humigpit ang hawak ko sa inyo, pero nagkahiwalay pa din tayo.

Marimar: Pa’no niya nalaman ‘yon. Ako ‘yon, eh. Ako yon.

SA BAHAY NI KIM.

Sergio: Sorry if I ruined your birthday.

Kim: Gusto ko siyang makita.

Sergio: Sino?

Kim: Sino pa? E di ang babaeng lagi laman ng isip mo. May litrato ka ba niya?

Sergio: Bakit pa?

Kim: Bakit, kelangan ba lahat ng gagawin ng tao e may rason? Gusto ko lang siya makita. Birthday gift mo na sa’kin ‘yon.

Esperanza: Sinungaling. (Lalapit kay Natalia.) Sinungaling ka, Natalia. Pa’no mo nalaman ‘yong mga impormasyon na yon? Ha?

Natalia: Dahil bumalik na po ang alaala ko ngayon lang.

Esperanza: Ah, talaga?! Halika! Halika nga rito. Hindi mo siya anak!

Gustavo: Nasasaktan! anak ko yan. bitiwan mo siya.

Esperanza: Hindi mo siya anak! Bella, magsabi ka nga ng totoo.

Natalia: Wag ka ngang makisali dito, papa ko siya.

Esperanza: Magsabi ka ng totoo, Marimar.

Gustavo: Ano’ng tinawag mo sa kanya?

Esperanza: Magsabi ka ng totoo!

Marimar: Ako po si Marimar. Ako’ng nawawala niyong anak. Ako ‘yung totoo niyong anak.

(Kinuha ni Sergio ang isang maliit na litrato ng kanyang asawa at iniabot iyon kay Kim.)

Sergio: Bakit Kim?

Kim: Miss! Ano ba’ng ginagawa mo sa kalsada? Muntik na kitang masagasaan!

Marimar: Tulungan mo ‘ko. ‘Yung anak ko! Walang gustong tumulong sa’kin.

Kim: Asan ba mister mo? Alam ba niyang dinala mo dito anak mo?

Marimar: Hindi. Wala na ‘kong asawa. Iniwan niya na ‘ko.

Kim: Siya ‘yung babaeng tinulungan ko.

Sergio: Kilala mo siya?

7 Tugon to “Marimar Episode 47.”

  1. you don’t need to do that. a marimar fan must have watched the show.

  2. Zaido said

    ako na lang ang enumerate mo…zaido pulis pangkalawakan

  3. yang said

    this is good, nagiging updated ako, namimiss ko na ang marimar… wala akong tv dito, currently working abroad.. you should do this more often🙂

  4. triageur said

    oo nga. nakatulog ako ng episode na to hehe. tnx.🙂

  5. tresha said

    hi musta na u ako si tresha

  6. tresha said

    marian rivera musta na u ako si tresha

  7. Joanne said

    Jonell = Marimar = Marian Rivera

    HAHAHAHA =))

    wala lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: