Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Missteryosa Chapter 2.

Posted by Paurong sa Biyernes, Nobyembre 2, 2007

Walang ibang nagawa si Thelma kundi ang lumabas sa palengkeng bitbit ang kanyang mga pinamiling gulay at karne. Para makaiwas sa gulo, lumayo sa lugar ng gulo, ang nasa isip niya. Malaki ang ngiti, kinapa niya sa kanyang bulsa ang perang hindi niya inilalagay sa pitaka tuwing namamalengke siya.

Pasakay na sana siya sa isang asul na tricycle nang makita niya ang isang babaeng sobrang pamilyar sa kanya sa kabila ng kalsada. Nakasuot ito ng pulang bestidang kapansin-pansin kahit sa malayo. May dala-dala itong maliit na puting bag. Ngunit hindi ang damit nito ni ang bag ang pumukaw kay Thelma kundi ang taong ito mismo. Hindi niya pinansin ang pagtanong ng tricycle driver kung sasakay pa ba siya o hindi bagkus ay tinanaw ng maigi ang pigurang kanyang nabanaag.

“Mela! Carmela!” Siguradong-sigurado siya ng tinawag niya ang babae. Napangiti iyon at nabuhusan ng pagtataka ang mukha ito. Luminga-linga muna si Thelma sa mga nagliliparang jeepney bago siya tumawid at lumapit sa matagal nang hindi nakikitang kaibigan.

“Ikaw nga, Mela!” Halos ayaw maniwala ni Thelma sa nakita.

“Thelma!” Napayakap siya sa kaibigan. “Of course, it’s still me. The prettiest senior way back then. Ang tagal na rin.”

“Ang laki na ng pinagbago mo, Mela. Ma–Mas gumanda ka.”

Bumitiw si Mela. “I won’t be surprised.” Parang isang taong bibili ng damit niyang ang katawan ng kaibigan. “Ikaw din naman. You look great. Except for these.” Tinukoy niya ang mga plastik na bitbit ni Thelma. “Wait a sec. Don’t tell me–“

Nabasa agad ni Thelma ang iniisip ni Mela, na hanggang ngayon ay kuntodo pa rin ang ngiti. “Oo. Matagal na ‘kong nanay.”

“It appears.”

“Saan ka ba papunta ngayon?”

“Ako? Pasakay na dapat ako papunta sa mall. Alam mo naman ako, mahilig magliwaliw at mamili ng kung anu-ano. Still the same. Still the old Mela you know. Pero, since nakita kita. Ikaw, na best friend ko noong high school, I think I should go to your house nang makapagkuwentuhan tayo. Aba! It’s been almost forever!”

“Oo nga. Ang tagal na.”

Mas humaba ang ngiti ni Mela sa pagbali

ktanaw sa mga ala-ala nila sa high school. “Sa haba, hindi na natin mabilang ang taon. Kaya nga gusto kong makipagchikahan sa’yo.”

“E di, ano pa, tara na.”

Sa tricycle pa lang ay hindi na magkamayaw ang kuwentuhan ng dalawa. Kung paghahambing ang hitsura nilang dalawa noong araw, halos magkamukha sila. Ang mga mata nila ay parehong kaakit-akit at ang kurba ng kanilang mga ngiti ay magkatulad. Para na silang magkapatid noon. Pinag-uusapan nila palagi ang pagpapagupit nila ng buhok o ang ayos ng pagtitirintas nila dito. Pati sa mga palihim na kalokohan ay magkasama ang dalawa. Kapag may lalaking pumuporma sa isa, dadaan muna siya sa isa upang mapalapit sa gusto niya. Ilan lang iyan sa mga ala-alang mabilis na bumalik kina Thelma at Mela habang nag-uusap sila sa tricycle.

Pagkababa nila sa harapan ng bahay ni Thelma, nagkahiyaan pa ang dalawa sa kung sino ang magbabayad ng pamasahe. Matapos ang ilang sandali ng mababaw na argumento, nanalo si Mela.

Bumungad sa kanila pagkabukas ng gate ang bunsong anak ni Thelma. Dala-dala nito ang isang Rubik’s Cube. Ipinakilala ni Thelma sa bata si Mela.

“Ang cute naman ng anak mo, friend.”

“O, Ivan, magmano ka sa Tita Mela mo.”

Itinaas ni Mela ang dalawa niyang kamay. “Ooops. No need. Magmumukha naman akong matanda niyan. Kiss mo na lang ako, Ivan. There you go. Mabait naman pala ‘tong batang ‘to. How old is he? Nine?”

“Malapit na siyang mag-nine. Next month.”

“Ang galing ko talaga pagdating sa edad ‘no? Remember dati, madalas tayong tumambay sa waiting shed, then naghuhulaan tayo kung ano ang edad ng mga teacher natin.”

“Halika na nga sa loob,” yaya ni Thelmang sabik nang ipagpatuloy ang paggunita kasama ang kaibigan sa loob ng bahay.

“Ang laki naman pala nitong bahay mo.”

“At malinis,” dagdag ni Thelma.

“Yeah, right. Malinis.”

“Hindi nga pala ito amin. Halos nakikitira lang kami.”

Napintahan ng pagkabigla ang kilos ni Mela habang umuupo siya sa sofa.

“Nakikitira? How come?”

“Long story, Mare,” seryoso ang dating ng mukha ni Thelma. Naunawaan ito ni Mela. “Ano bang gusto mo, kape or juice?”

“Hmm… juice na lang. Salamat.”

Dumako si Thelma sa kusina upang iligpit ang kanyang mga pinamili. Lumibot naman ang paningin ni Mela sa bahay. Napatayo siya upang mapagmasdang mabuti ang mga kuwadro ng litratong nakapatong sa ibabaw ng lamesita sa tabi ng sofa.

“Ivan. Huwag kang magulo diyan, ha. Nakakahiya sa bisita natin,” saway ni Thelma sa anak na wala namang ginagawa kundi kalikutin ang Rubik’s Cube. Nagtimpla siya ng dalawang orange juice at naghain ng mga biskwit sa isang platito. “Halika na dito, Mare.”

Ibinalik ni Mela ang litrato ng isang nakapolong lalaki sa lamesita. Naghugas muna siya ng kamay bago umupong kasama si Thelma.

“Eto, kain ka.”

“Mommy,” tawag ni Ivan. “Maglalaro lang po ako sa labas. Sa kapitbahay lang po.”

“O sige, anak. Mag-iingat ka.”

Halos nangalahati kaagad ang inumin ni Thelma. Hindi maitatanggi ang kapaguran niya sa pamamalengke.

“Siya nga pala, sino yung lalaki do’n sa picture?”

Hindi agad nakasagot si Thelma. Bumaba ang tingin niya sa platito at bumalik lang sa realidad nang pansinin ng kaibigan.

“May problema ba, friend?”

“Wala na kasi ang asawa ko. Si Gabby. Ayoko nga sanang mapag-usapan. Pero naitanong mo–“

Inabot ni Mela ang mga kamay ni Thelma. “I’m so sorry to hear that. Hindi ko man lang alam na nagkatuluyan pala kayo ni Gabby. I’m really sorry for what happen.”

“Ilang taon na rin ang nakalipas. Sa isang aksidente. Naging traumatic sa akin ang gabing iyon. Lalo na’t ipinagbubuntis ko noon ang una naming anak. Hindi nila alam ang buong kuwento. Itinago ko sa dalawa kong anak.”

Tanging ang galaw ng chimes sa pintuan ang nanatiling tumutunog sa paggitna ng katahimikan sa magkaibigan. Hindi nakaimik ang dalawa. Unti-unti, bumuhat sa mga mata ni Thelma ang pagluha. Ilang dipa ang layo sa usapan ng muling nagkatagong magkaibigan, nakikinig at nakatago sa likod ng pader si Kim, ang panganay ni Thelma, ang pangunahing tauhan ng kuwentong ito.

11 Tugon to “Missteryosa Chapter 2.”

  1. i think im gonna love this ^^ hi jonell! lalang. Ü

  2. waaa nabibitin ako. ^____^ may next ba? hehehe. ^____^
    ang ganda. ^____^

  3. Magta-transform ba into something ang Rubik’s Cube?🙂

  4. i think it should be. CATEGORIZED..

    Paurong: Huh? Anong categorized?

  5. ♥ayel♥ said

    hahah talagang Rubik’s Cube ah… hahah. nice! kaabang-abang..😀

  6. Joanne Galang said

    oo nga. napansin ko rin ‘yun. “Categorised under Fiction” kasi ‘yung nakalagay. wala lang. pero nasa theme kasi ‘yun eh kaya wala lang.

    may naaalala lang ako kapag nakakabasa ako ng mga tag-lish na usapan sa story. wala lang ulet.

    wala lang ‘tong comment ko. hehe.😀

  7. Ok yung pagkakatugma ng mga scenario keep it up!

  8. c nato at c kim… iba ang tatay ni ivan…

  9. Marlon Molmisa said

    wow. malikhain ka talaga… “missteryosa” pede ring misterYOSO… hehehehe…

    Godbless bro!🙂

  10. Mae said

    Hi. I have seen your tag at my blog http://my-bonding-sessions.blogspot.com/ … salamat ahh. pero kasi lumipat na’ko. sa http://love-lye-essence.co.cc/ … dun ka na lang po bumisita at magTag. Maraming salamat ulit. =)

  11. mukhang impromptu ang pagsusulat mo nito ano? i assumed yung mga wrong tenses at spelling like “kwadra” (kulungan ito ng kabayo) na ang tinutukoy mo’y “kwadro” (frame) e isang pagkadulas lang ng daliri sa pag-punch sa keyboard. anyway, basta nagkakaintindihan ang sumusulat at nagbabasa, palampasin na ang maliliit na bagay nang lalong ma-enjoy ang pagbabasa ng kwento. ako rin naman nagkakaganito minsan kasi itinatama na ng pagod nating isip ang nakikitang mali ng ating mga mata dahil sa labis na umay sa pagsusulat. at least, this is one of the greater advantages of writing on a blog — we can still go back to the article after it was being ‘published’ and edit it as much as we want.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: