Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Missteryosa Chapter 5.

Posted by Paurong sa Huwebes, Nobyembre 15, 2007

Pagkatapos na pagkatapos ng Filipino, ang huling klase nila sa araw na iyon, niyaya ni Kim si Errol na magmiryenda. ‘Tsitsa’ ang ginamit na salita ni Kim, salitang palagi niyang naririnig sa kaibigan kaya’t humalo na sa kanyang bokabularyo.

“Burger tayo ngayon?” tanong ni Errol, na sa katotohanan ay isang pag-udyok. Sumang-ayon si Kim.

Sa tapat ng eskuwelahan nila ay maraming tindahang mabibilhan ng samu’t sarong bagay. Minsan marami, minsan hindi. Depende na lang kung may mga pulis na rumoronda upang manghuli ng mga ilegal na puwesto sa gilid ng paaralan. Naging palamuti na simula pa noong pasukan ang mga karatulang nakapaskin sa bawat sulok na makikitaan lagi ng mabibilhan ng fishball, squidball, tokneneng, isaw, barbeque at iba pa, na may malaking pulang sulat na BAWAL MAGTINDA DITO. Kahit na may paskil anaki’y walang makapipigil sa mga tindero’t tinderang magbenta sa mga estudyante. Kikita nga naman sila kung doon sila pupuwesto.

Pumasok sa loob ng eskenita pagtawid sa main entrance ng paaralan sina Kim at Errol. Maging sa dakong iyon ay maraming nagpupursiging tumubo sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga pagkaing patok sa panlasa ng mga mag-aaral ng Rafael Isidro High School. Sa unang burger stand na makikita sa kanan ang binilhan nila ng dalawang cheeseburger. Hindi nila nilimot na bumili ng panulak sa kabilang tindahan.

Bitbit ang kanya-kanyang supot ng burger at plastik ng soft drinks, bumalik sila sa paaralan upang doon tsumitsa. Bubuksan na sana si Errol ang dala niyang supot ngunit naisip niyang mas masarap kumain kapag nakaupo. Tumambay sila sa isang bench na malapit sa gymnasium. Mahangin doon, paliwanag ni Errol.

Walang imik si Kim hanggang sa mabilisan nilang pag-umpisang kainin ang burger. Laman ng isip niya ang kayamutang umuwi sa bahay. Waring nabasa ni Errol ang iniisip ng kaibigan.

“Sa bahay ka na lang muna.”

“‘Yun nga sana sasabihin ko.”

“Idadamay mo na naman ako sa kagaguhan mo.”

“Badtrip, eh.”

“Alam ko. Pag umuwi ka, lalo ka lang mababadtrip.”

“Kaso yung pambihis ko.”

Nag-isip si Errol. “Sige, meron naman ako.”

Nanatili silang tahimik sa paglipas ng limang minuto. Napakabagal para kay Kim ang pag-usad ng limang minuto. Hindi kinaya ni Errol, na inuubos na ang soft drinks niya nang mga sandaling iyon, ang di-normal na katahimikan ni Kim.

“Ubusin mo na yan. May ipapakita ako sa’yo,” ani Errol na may pagkislap ang mga mata.

“Alam ko ‘yang tingin mong ganyan,” nakangiting sabi ni Kim. 

Ikinagalak ni Errol ang pagngiti ni Kim. Nabuhayan siya ng loob na ipakita ang kahapon niya pa gustong ipakita dito.

“Pasok tayo sa gym.”

Hindi nag-atubiling humindi si Kim. “Ikaw na lang.”

“Ano’ng problema? Samahan mo ‘ko. Kapag palagi tayong nakikita ni Coach sa loob, at pati na rin ng team niya, madali akong makakapasok sa varsity.”

“Alam ko. Hindi naman ako ang sasali sa varsity, ikaw.”

“Support naman diyan.”

Gustong mailihis ni Errol sa ibang bagay ang isip ni Kim ngunit paulit-ulit itong tumatanggi. Iniwan niya muna itong nag-iisa at nakatingin sa malayo, malalim ang iniisip at lumilipad ang diwa. Patakbo niyang tinahak ang malawak na daan papasok sa gymnasium.

Malayo pa lang ay rinig na ni Errol ang malakas na boses ng isang matangkad na gurong nakasuot ng dilaw na T-shirt at itim na pambaba. May nakasukbit na pito sa leeg nito. Siya ang tinutukoy na “coach” kanina, ang taong gustong pakitan ng husay ni Errol.

“Coach!” sigaw ni Errol pagkatapos makaporma ng tayo sa pagbaling ng mga braso sa harang.

“O, Errol.” Linapitan siya ng tatlumpung taong gulang na si Coach Fred. “Nandito ka na naman.”

Napangiti si Errol. Hindi napansin ni Coach Fred ang ngiting iyong waring isang panghimok. Gustong itanong ni Errol kung pwede na ba siyang makapag-tryout upang masubak ang galing na binibida niya rito ngunit naunahan siya ng pagsasal ng kanyang kaba.

Parang natatakam sa masasarap na pagkaing inisa-isang tignan ni Errol ang ipinapakitang kapaguran ng pitong manlalarong ineensayo ni Coach Fred. Magiging isa rin ako sa kanila, sabi niya sa kanyang sarili.

Ikinagulat niya ang pagtawag sa kanya ni Coach Fred at ang tanong na “Kelan ka ba pwede?”

Unang pumasok sa isip niya ang tryout. Halos hindi niya mabanggit ang salitang iyon. “T-t-tryout po?”

“Oo, bakit, ayaw mo?” nakangiti niyang tinanong habang ipinapatong ang mga braso ang harang na binabalingan ko rin.

“Kahit kelan, Coach. A–A– N-Ngayon?”

Nanlaki ang mga mata ng guro. “Ngayon ka’gad? Grabe ka, ha. Pursigido ka. Maganda yan. Good attitude yan sa basketball. Isa pa ang disiplina.”

“Siyempre, Coach.”

“Next practice, isasalang kita. Huwag muna ngayon, patapos na rin kami. May lakad pa ‘ko.”

“Sige po. Okey lang po. Kayo bahala, Coach.”

“Alam mo, Errol, bilib naman ako sa’yo, eh.” Lumapit si Coach kay Errol upang kapitan ang isang balikat nito. “Basta patunayan mo sa team ko, sa kanila,” sabay direkta ng tingin sa tinutukoy. “Patunayan mo na magaling ka.”

Tumungo si Errol, nakangiti at may kung anong kagalakang lumukob sa kanya.

“Basta, ikaw, Coach.”

“Asahan ko ‘yan, ha?”

“Yes, sir!”

“O, sige, punta na ‘ko sa kanila.”

Tumungo na naman si Errol. Hindi pa man nangyayari ang katuparan ng pangarap niya ay labis na ang kanyang kaluguran. Itinuon na naman niya ang tingin sa mga manlalaro. Alam niya ang pangalan ng bawat isa sa kanila. Darating ang araw, pagmamayabang ni Errol sa sarili, pangalan ko naman ang tatatak sa inyong lahat.

Nang makita niyang 5:34 na ng hapon sa orasang nakasabit sa panig na malapit sa kanya, nagpasya na siyang magpaalam kay Coach Fred, bigyan ng huling pagmamayabang ang sarili at lumisan na sa lugar na iyon. Sa ilang metro ng paglalakad niya ay nasabik siyang masabi kay Kim ang tryout sa Biyernes. Ayaw niyang mabigo, ayaw niyang magkamali.

Laking gitla niya nang matunghayang wala na si Kim sa bench na kanginang inuupuan nilang dalawa. Nagpaikut-ikot sa buong paligid ang kanyang mga mata, subalit ni bakas ng anino ng kanyang matalik na kaibigan ay hindi niya nakita.

22 Tugon to “Missteryosa Chapter 5.”

  1. Mary Grace said

    Ganda ng theme. Parang sa akin lang.

  2. Mary Grace said

    Pabasa naman ng kwento ko. Gusto ko ng negative comment.

  3. gRacE said

    oo nga, magkatulad keu ng theme ni mary grace…
    hanggang 5 lang ba yan?
    ok lang, wala pa akong nababasa kahit isa :))

  4. gRacE said

    :-))

  5. Jonell. Sira ba phone niyo?

    Haha. Help me with my machine problems.

  6. maiksi ngayon ano? talaga bang nag-end ito sa “Pasok tayo sa gym”? or maybe there is something wrong with my browser? para kasing di ko pa nakita yung babae sa waiting shed? 😉

  7. emong said

    hayss.. naka pst ka na rn. kaso nga lang di ko pa binabasa.

  8. Joanne said

    PAURONG is a 16 years old boy who lives in Pasig City, Philippines. He is a freshman BSIT student at FEU-East Asia College. 09**-***-****.

    naks. may selepono na siya.😀

  9. Joanne said

    PAURONG is a 16 years old boy who lives in Pasig City, Philippines. He is a freshman BSIT student at FEU-East Asia College. 09**-***-****.

    naks. may selepono na siya.😀

  10. Naalis si Frosti sa Survivor China.

    Haha. Jonell! Wala lang!

  11. rakatak said

    great story. keep up the good work man!

  12. Kaoru Koganei said

    waw! natapos ko din sa wakas idol!!!
    ^__^
    jejejeje!!!
    ang ganda nung storya!!!
    asteeg!!!
    bakla ba ung coach???
    jejejeje!!!
    GodSpeed idol!!!
    keep up the great work!!!

  13. baka naduling lang ako, pero di ko pa nakita babae sa waiting shed. di pa tapos, sige balik na lang ulit ako.

  14. aKDa said

    ahm. nice.. ^_^

  15. soulwhohatesherownworld037 said

    what’s the point? hindi tlga ako mgling mag-interpret ng kwento…bitin,,meron pa ba?

  16. stoRm said

    ang ganda ng story!…nbasa q lht ng chapter!….wen nyo po ipopost ung chapter 6?

  17. stoRm said

    wen nyo poh ipopost ung chapter 6?

  18. stoRm said

    wen nuo po ipopost ung chapter 6?

  19. stick said

    wala pa ring kasunod ang tagal namna !

  20. marlon molmisa said

    mahusay ka talaga maglaro at gumamit ng salita. pati ang malinaw na pagguhit ng sitwasyon sa pamamagitan ng pagkwento. Astig ka talaga jonell! hehehe..

    oo nga pala, nakita ko ung pix mo sa blog ni earlmond. Wow! I’m glad to see u there! You are fellowshiping with the presby people and youths… ganda yan!!

    Godbless bro!!

  21. gRacE said

    wow. jonell. ano nangyari sa internet nyu?
    di ko na maramdaman ang presensya mo…
    still stuck in m5…
    eniweyz, i want to see ung blog ng earlmond…
    bigay mo naman yung website.

  22. Kaoru Koganei said

    waiting for the next chapter….
    ^__^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: