Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Missteryosa Chapter 6.

Posted by Paurong sa Sabado, Disyembre 1, 2007

Kinulayan ng maputlang sinag ng dapithapon ang itim na buhok ni Kim. Ang puti niyang uniporme ay minantsahan ng anino ng mga sangang humaharang sa kanyang paningin. Naroon sa kanluran ang palubog na araw–nakatutok sa kanya, nakaantabay, umaasang hihinto na ang paggiyas ng kanyang damdamin at ang pagsasal ng kanyang puso. Damang-dama niya ang malamig na simoy ng hangin. Kaysarap para sa kanyang pakinggan ang paghampas ng malakas na hangin sa magagaang tangkay na nakahimlay sa lupa–sa kanya, nagdadalamhati at nakikisimpatiya.

Ang lugar na iyon ang takbuhan niya kapag siya ay problemado. Payapa, tahimik, nakagagaan ng loob–ilan lang iyan sa mga salitang nakaukit na sa paglalarawan ni Kim sa halamanang iyong matatagpuan sa likurang bahagi ng paaralan. Sa tuwing umaapak siya sa madamong lupaing iyon, napapanatag siya at parang yelong nasisinagan ng araw na natutunaw ang kanyang kalungkutan.

Bihirang maging matao ang pook na iyon. Mapuno at mahalaman ang mga tamang salita. Isang perpektong paraiso ang turing dito ni Kim. Isa itong paraisong mananatiling paraiso sa kanya hanggang sa huling araw ng paghinga niya sa mundong ito.

“Hindi pa ba tayo uuwi?”

Ang boses na iyon ang gumunaw sa nakapanlulumong isiping paikut-ikot na tumatakbo sa loob ng utak ni Kim.

“Susunod na lang ako,” walang pagkagulat na sagot ni Kim kay Errol.

“Mauuna na ba ‘ko?”

“Sige.” Doon lang binigyan ng paglingon ni Kim ang kaibigan. “Senti mode ako, eh.”

“Tuloy mo lang ‘yan. Una na ‘ko.”

Kaipala ay naglaho si Errol. Malapit na ngang maggabi, naisip ni Kim. Nasa bingit na ang bolang apoy na iniikutan ng daigdig. Kung paanong nagkakaroon ng katapusan ang umaga upang bigyang-daan ang kapusukan ng gabi…

ITUTULOY

 

 

7 Tugon to “Missteryosa Chapter 6.”

  1. CHALK DUST said

    ..bigyan ng…..

  2. mnemosyne said

    Hi wow…you got a very nice blog!🙂

  3. aKDa said

    haysss. tagos sakin yung lungkot ni Kim… -_-

  4. Joanne said

    nabuhay si Jonell.

  5. soulwhohatesherownworld037 said

    napakalungkot naman..ganyan ako eh..naghahanap ng lungga kung saan mapayapa..wahaha..
    anu ba yan! uso pa ba ang makata ngaun?!!

  6. Richmond said

    ganda…

  7. Grace said

    ano na ang gagawin mo sa blog na ito? ngaung may bago ka na?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: