Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Sourire radieux.

Posted by Paurong sa Huwebes, Disyembre 13, 2007

Matagal na akong hindi nakasusulat sa blog na ito. Hindi naman sa wala akong oras, wala lang akong sipag na paganahin ang utak ko sa proseso ng blogging. Ganito nga kasi ang epekto ng kawalan ng internet sa bahay. Malaking bagay ang nangyaring iyon. Madalas na akong makatulog ng maaga maliban na lang kagabi dahil sa kaadikan kong makapanalo ng kahit dalawang laro ng Freecell at Spider. Inabuso ko ang logic ko kaya apat na oras lang ang inilagi ko sa kama.

Hindi naman ako nahuli sa una kong klase. English. Ang favorite subject ko. At mas naging favorite ko pa ito dahil sa puro writing na ang ginagawa namin. Buong akala ko’y magiging isang napakabigat na balakid ang malawakang strike ng mga jeepney drivers. Inabot ako ng mabigat na trapiko sa daan. Pagkaupo ko sa silya ko, hinapit ko ang pagsulat ng one-paragraph narrative sentence. Mabuti na lang binigyan ako ng 10/10 at may tanong pa sa dulo na “Is this story true?” Bago lumabas ng classroom ang prof ko, binigay ko sa kanya ang kopya ng The Lost Bike, isang maikling kuwento ng kakornihan ng emoterong si Paurong.

Sa Trigo class, isang oras ang ibinigay sa amin para makapag-aral para sa isang 50-item quiz. Mababa man ang grade ko sa Math, paborito ko pa rin ito lalo na’t napakagaling at napakabait bagaman strikto ng prof namin. Pagkatapos ng quiz, nanghinayang ako sa ilang dapat na maging solution na nakaligtaan ko. Gayunman, mas napapalapit sa puso ko ang Math ngayong mga nakalipas na araw. Parang kailan lang, palagi akong inilalaban noong Elementary sa mga Math contest pero ngayong tamad na ako pagdating sa Math, nawala na ‘yung dating ako.

Magkakasama kami nina David, Rannie at Darreng kumain ng tanghalian sa Lerma. Nagkaroon ng tossing-of-coin para mapagpasiyahan ang kakainin ko–gagayahin ba ang uulamin ni David o ni Rannie. Nanalo si Rannie kaya kumain ako ng tapsilog. Nang matapos na kaming kumain, humabol si Mike. Nagpasama siyang kumain. Tinamad siya kaya bumili na lang siya ng biskwit. Pumunta kami sa computer shop na malapit sa Hearty, kung saan ayaw kumain ni Mike kahapon kaya sa ibang kainan sa Lerma kaming dalawa kumain. Naroon sina Jezrel, Tadeo, Facto at Kurt. Napagdiskitahan namin ni Rannie ang nakita naming cellphone number na nakalagay sa isang Friendster profile. Lumabas din kami maya-maya.

Niyaya kong kumain si Mike kaya nilibre ko siya, kasama si Rannie, sa McDo. Nag-chicken fillet si Mike habang sundae naman ang amin ni Rannie. Wala pa nga iyon sa nilibre ni Mike sa Greenwich noong birthday niya. Ang kulit-kulit nilang dalawa.

Pagbalik sa school, hindi kami kaagad pumunta sa classroom para sa Psychology class. Tumambay muna kami sandali sa isang bakanteng classroom sa fifth floor. Nang nahiya na kami dahil sa pagdagsa ng mga estudyanteng gagamit ng silid na iyon, humantong na kami sa classroom namin sa fourth floor. Nagpatulong sa akin si Ysann sa pagsasalin ng mga Ingles na salita para sa kanyang report sa Filipino.

Naging maingay ang buong I01 dahil sa balitang absent ang prof namin sa ibang section ngayong araw. May mga nanatili pa rin sa classroom kahit na walang prof. Nagkuhaan kami ng litrato. May mga hawak silang papel na may nakasulat na “I Love Paurong!”, “https://gusot.wordpress.com” at “Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.” Nanood din kami ng mga video sa laptop ni Ysann. Nag-iba ang trip namin nang mag-magic kami ni David. Hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil sa pagod.

Naging maganda ang resulta ng oral exam sa Filipino. Ang mga sumalang na tagapag-ulat ay kinaya ang apoy ng platform at ng pagiging speaker sa araw na ito. Nagsilbi akong timer ng prof namin upang matiyak na sasampung minuto tatagal ang bawat speaker. Natalakay ang mga paksang gaya ng Phobia, Backmasking sa Likod ng Musika, The Vu, Purgatoryo, Atlantis, Crop Circle at Himala ni Barbie na siyang pinakamagaling na ulat ngayong araw. Tuwang-tuwa ang prof namin dahil sa hindi tumaas ang dugo niya dulot ng mga ulat.

Naghiwa-hiwalay na kami nina David at Rannie pagkalabas ng campus. Tinawagan ako ng tita ko at sinabing pumunta ako sa Megamall dahil naroon sila ng lola ko. Mabuti na lang at hindi pa ako nakauuwi nang mga sandaling iyon.

Pagkarating sa Megamall, nagkandaduling-duling ako sa paghahanap sa kanila. Nakita kong nag-iinternet ang tita ko sa Gloria Jeans’ at malamang ay ipinakita niya kay Lola ang pictures ng tita kong nasa Amerika na kapapanganak lang. Pumunta kami sa Metrobank para makasakay na sa kotse ng tito ko. Pumunta kami sa isang kainan sa tabi ng Ultra para kumain ng sisig. Nabundat na naman ako kasabay ng pagkalango sa beer.

2 Tugon to “Sourire radieux.”

  1. CHALK DUST said

    Hindi raw sya umiinom o.

  2. dave said

    mabuti naman at nagparamdam ka muli. mukhang sumisikat ka na dyan ha, naks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: