Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Trois.

Posted by Paurong sa Biyernes, Disyembre 14, 2007

Hindi na ako nakakain ng almusal dahil sa 5:00 ako nagising. 5:45 na kami nagkasabay ni Mary Joy sa pagpasok sa school. Ipinahiram niya sa akin ang librong “Babaeng Misteryosa” at hindi ko pa rin ibinabalik sa kanya ang Rubik’s Cube na nilasug-lasog ni Mike. Mabilis kaming nakarating sa patutunguhan. Kumain muna ako ng almusal sa Jollibee bago pumasok sa school.

Masyado pang maaga ang alas siyete. 9:00 ang una kong klase ngayong araw kaya mahabang oras ang inilagi ko sa Computer Lab. Bago sumapit ang una naming klase, naghabol kami sa library nina Maverick at Facto ng assignment sa Accounting. Marami ring I01 ang nandoon para maghapit. Nakinig akong maigi sa discussion ng assignment na iyon. Worksheet. Trial balance. Debit, credit. Dinugo ang ilong ko habang nag-iingay ang karamihan sa amin.

Nagulo na mundo ko nang 11:00 na. May long quiz kasi sa Advanced Programming. Nahuli ang katabi kong si EJ na nangongopya sa akin. Hindi ko alam kung minus ba yung inilagay sa papel niya noong nilapitan siya ng nagsilbing proctor namin. Nasa panelling daw kasi ang prof namin na si Ma’am Eya, ang pinakamamahal kong prof. Ok. Tama na. Hindi naman talaga ako magaling sa programming. Asa naman.

Wala nang sumunod na klase. Nagsiuwi na ang iba samantalang naiwan ang ilan sa sulok ng corridor at stairway para tumambay. Pinagtripan ni Rannie si Mary Joy sa text. Nang umalis na ang iba, naiwan kami ni Rannie doon sa lugar na iyon at naghintay na lumipas ang oras. Maya-maya, lumabas kami ng campus para bumili ng ice cream sa Mini-Stop. Pagbalik namin sa school, dumiretso kami sa Computer Lab para mag-internet, ano pa nga ba. Gumawa nga pala siya ng blog: http://thelostme.wordpress.com.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa church ngayong gabi. Balita ko, acoustic night daw. Ewan ko lang. Wala talaga akong balak na pumunta. Malamang pa niyan e sama-sama doon sina Francis, Kristine, Justin at Vieira na pinaiyak at ginalit ko noong nakaraang Martes.

Nahahati pa rin ang mundo ko. Palaging may pagbabago. Palaging may kakaiba. Gayunpaman, niyayakap ko pa rin ang bawat araw ng may pasasalamat. Buhay pa rin ako. Tuloy ang laban.

3 Tugon to “Trois.”

  1. Joanne said

    wow. araw-araw ang entry. wala lang.

  2. CHALK DUST said

    Binabasa na rin nya ang Babaeng Misteryosa… maganda ba?

    Akala ko kilala ko ung nasa thelostme. hindi pala. akala ko lang.

  3. dave said

    ganyan talaga ang buhay college.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: