Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Bon Anniversaire Ayel!

Posted by Paurong sa Sabado, Disyembre 15, 2007

Hindi ako natuloy kagabi sa Acoustic Night ng Crossroads. Habang nasa FX kasi ako pauwi, niyaya ako ng tita ko sa Megamall. Bumaba ako sa kinasasakyan ko para sumakay ng pabalik. Bumili kami sa Wendy’s para may kainin sa pagnood ng sine. Binuhay ng The Golden Compass ang gabi ko kahit na paminsan-minsang lumipad palayo ang isip ko. Hindi na ako nakapanood ng Marimar dahil malapit nang maghatinggabi ako umuwi.

Ngayong araw na ito, sobrang baba ng spirit ko. Dekwat ang resulta ng NSTP “defense” kuno. I can’t help but blame myself. The other side is telling me that everything is already done. Yun na talaga yun, eh. Wala nang magagawa.

Napag-isipan kong huwag nang sumama sa birthday celebration ni Ayel. Dahil lang sa lintik na failure. Sa susunod namang linggo, puro test na–long quizzes at final examinations. Nabubuwisit pa rin ako sa kapalpakan ko. Wasting myself is a no-no. I should always be reminded.

Humahantong talaga sa ganito ang buhay. Nararamdaman ko naman yung emo-ness na palaging nakakapit sa kaluluwa ko. Gusto kong mainis sa sarili ko. Gusto kong mawala ang sarili ko. Pero hindi puwede.

Naisipan kong kumain (read: mag-isa) sa KFC na nasa tapat ng UE. Pagkatapos, bumalik ako sa school. Naisip kong sulitin ang araw na ito. Sayang ang pamasahe. Kailangang lubusin. Hindi hadlang ang kagutuman dahil may pera naman akong pambili. Kaya nga ako binibigyan ng perang baon. Pinasok ko ang bookstore na katabi ng UE at umasang may makikita akong book na may kinalaman sa French. Ang resulta: kabiguan. Puros tungkol sa Nursing ang nangaroon.

Kaya nga, hayun, bumalik ako sa school kahit ang kabilang ako ay nagpupumilit na umuwi na. Pero bago ako makabalik, napilit ako ng imaginary friend ko na bumili ng Smart na sim. Para niyo nang awa, i-text niyo ako sa 0929-3905380. May mayroong mabuting loob sanang mahabag sa kaawa-awang si Paurong.

Eto na, bumalik na nga talaga ako sa school. Nakasalubong ko si Leska sa may elevator. Sinabi niyang nasa ninth floor ang iba. Nandoon nga sina Rannie, Mike, David, Randy, Barbie, Ayel, Jena, Gail, Andrea, Darren at Niko. Nagyayang kumain sina Randy pero kinailangan kong tanggihan iyon. Tapos na nga kasi akong kumain. Isang masayang laro ng table tennis ang iniwan namin ni Rannie, maya-maya, para lumabas ng campus, at, kagaya kahapon, bumili ng ice cream sa Mini Stop. Pagkatapos naming makakain, naghanap kami ng housing para sa cellphone niya. Kung saan-saan kami pumunta e doon din naman pala hahantong sa una naming nakitaan.

Pagkabalik sa ninth floor, pumanay ang laro ng table tennis. Salamat sa bola at raketa ni Niko! Natuwa kami nang sina Randy at Rannie na ang naglaban. “Magbati muna kayo!” kantiyaw naming lahat. Habang naglalaro sila, pinapanood sa akin nina Mike at Gail ang mga video sa cellphone ng una. Nang pagsawaan na naming lahat ang table tennis, nauwi ako sa pagsagot ng cryptograms na naunang sinasagutan nina Andrea at Ayel. Ang cryptogram, mga kaibigan, ay isang uri ng palaisipan kung saan may isa o higit pang pangungusap. Ang mga letrang bumubuo sa mga lupon ng salita ay kinahahalilhan ng mga numero. Kailangang mapunan ng mga tamang letra ang mga lupon ng numero upang lumutang ang orihinal na pangungusap. Kung hindi kawatas-watas ang paliwanag ko, kayo na lang mismo ang magsaliksik.

Samantala, natuloy nga ang hindi ko pagsama sa birthday celebration ni Ayel. Maraming dahilan kaya naiwan kami ni Rannie sa pinagtambayan naming classroom at nagpatuloy na maglaro ng table tennis, maglaro ng table tennis at maglaro ng table tennis hanggang sa dumating si Niko. Humabol siya kina Ayel habang nagpakalunod na naman kami ni Rannie sa Computer Lab para magsulat ng blog.

4 Tugon to “Bon Anniversaire Ayel!”

  1. Joanne said

    magkabirthday kami ni Ayel (kung sino man siya).

  2. Shet Tagalog.

    Maligayang kaarawan kay Ayel.

    Jonell. I need your help.

  3. CHALK DUST said

    haha naghahanap ng textmate!!😆

  4. jhunhot18 said

    naman, lahat na yata ng lakad mo andito na, hahahahaha, sama mo naman ako para may kasama ka.. hehehehehe,, gudlak sa studies..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: