Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Pebrero, 2006

mga testimonials

Posted by Paurong sa Lunes, Pebrero 27, 2006

MARY JOY

Kwela po kasama itong si Mary Joy at kahit na ayaw niya talagang aminin alam namin na may gusto talaga siya kay Raymond. Pero as of now, crush niya si L. Oops! Baka sabihin niya binubuko ko siya… so itago na lang natin sa pangalang Lorenzo… ayan… siguro naman hindi niyo na makikilala yung crush niya. Nung one time na nakita ko si Lorenzo sabi ko bagay sila ni Mary Joy. Wahaha! Di bale, pag nakita ulit natin si Lorenzo, lalapitan ko na siya and I will introduce him to you… o diba!

Matalino po itong taong ito… masipag hindi gaya ko… ngunit gaya ko adik ito sa computer. Araw-araw po siyang laman ng Study Net… ay hindi na ba? Nagbago ka na nga pala! Pero adik pa rin yan.

Siya nga pala. Pag nagigipit ako parating nadiyan yan para magbigay ng panghulog na limang piso! Palibhasa sino pa ba ang magtutulungan e di mga adik na mismo… pero mas adik talaga siya.

Love nga pala niya ang Harry Potter… kelan kaya ang Movie ng Book 5? Hmmmph…

Antukin din siya minsan… parang ako parating nakakatulog pag Math…

Wala akong masabi sa kasipagan ng pashneang ito! Ne sshuda eje kunterunte! Ivi duo ivi Mary Joy ssheda duo… Never mind.

Nga pala, pahiram ako nung CD na pinahiram mo kay Joan, ha…

Cge na hanggang dito na lang at baka mabuko na kita… sa mga bagay-bagay.. alam mo na…

Cge na! Avisala meiste!

FLORGIE

Huh?? Sabi niya wag ko daw lahatin ang mga bagay-bagay na iti-testify ko… pero sige pagbigyan na natin ang aking kapatid…

Bali ito pong si Gieflor ay may crush kay… well… tawagin na lang natin siya sa pangalan Brian. Oops? Tama ba spelling? I remember that time na galing kami sa Greenwoods tapos nakita niya si Brian… laki ng pagngiti! Wag niyo na lang buksan yung wallet niya para hindi niyo mamalas ang pagmumukha ni Brian… ka-text din nga pala niya itong si Brian.. sabi ko nga sa kanya tanungin niya na si Brian kung kelan siya liligawan ayaw pa nitong si Florgie… nakakagigil naman, o. Magpakatotoo ka na kasi. O, sige, di bale, pag nagkita kami ni Kuya Brian mo ibubuko na lang kita. Ehehehehehe!!!! Behlat!

Uy! Thanks nga pala sa lahat…

On the brighter side… mabait naman po itong si Florgie.. Straight ang kabaitan sa lahat ng bagay, kasing straight ng buhok niya. Wahahaha!!

Remember, kapag pinalayas ako sa inyo ako tutuloy, ha! Automatic na ‘yon!

First impression ko sa kanya.. nagulat lang ako dun sa pangalan. Florgie? Sounds familiar.. sa’n nga pala buhat ang pangalan niya? parang ewan. Tapos nakilala ko na siya at naging friends kami.

Ang masasabi ko lang e… wala lang sana mamatay na si Taz at masalpok sa malaking puno ang sasakyan ni Avril. Ang sama ko talaga. Tama na nga ito. Baka kung ano pa ang maisiwalat ko.

Cge na! Avisala meiste!

PAMELA

Well, sa una makikita mo talaga yung pagiging over-action and over-reaction ng babaeng ito. Pero sa una lang talaga ‘yon. Kung kilala niyo lang siya nang lubusan tulad ng pagkakakilala ko sa kanya masasabi niyo rin na mabait na pashnea si Pamela.

Siya yung taong tadtad ng pang-aasar na buhat sa akin. Pagpasensyahan niyo na ang inyong lingkod sapagkat nature na niya ang pang-aasar… at buhay niyang asarin si Pamela.

Katelebadad ko siya over the phone na lagi kong binababaan kasi naman ayokong magba-bye… ehehe; nakakatakot nga lang kapag sumisigaw na yung nanay niya.

This girl had done so much things for me. Nandiyan na yung parati niyang pagsama kapag bibili ako ng shake at burger sa Pag-asa… nandiyan na yung paggawa niya ng nameplate ko… nandiyan na yung siya lang ang nagbigay sa akin ng birthday card dati… at marami pang iba.

Noong second year ko lang siya naging kaklase at masasabi kong hindi kami ganoon ka-close noon. Pero ngayon, hindi ko malaman kung bakit ba naging kaibigan ko ang Pamela na ito.

Ano pa nga ba? Bali… mahilig nga po pala siya sa color na pink. Mahilig mag-ipit ng buhok–tuloy nagmumukha siyang bata. Lalo na kapag yung parang barbie yung buhok niya. Nagpagupit ba siya?

Oo nga pala, payat na siya. Hindi tulad ng dati na medyo mataba pa siya. Ngayon e hinahabol na yata ang kapayatan ng pinakapayat na nilalang sa Encantadia… Hindi na siya masyadong kumakain… ano ba naman ‘yan? Sana man lang e gumagaya siya sa akin na matakaw!!!

Ano pa ba? Etong si Pamela? Sikat yan sa campus… karagdagan pa diyan yung mga articles niya sa school organ… apat yun diba? Wow!!! Ang galing na writer ng Ang Rizalian. Siya nga pala yung nagsulat ng “Salawahan nga ba ako?” na alam ng lahat ng pilot kung sino ang tinutukoy doon. At siyempre alam ko rin ‘yun. Kilala ko yung isang guy… itago na lang natin siya sa pangalan Jonell. Ayan hulaan niyo na lang kung sino talaga Ehehehehe. Totoo naman diba? Kaya mambabasa, kayo na ang humusga!!! Ehehe!

Cge na! Avisala meiste!

DEXTER

Aba! Ang tagal na rin nating hindi nag-uusap. Nakakamiss na po yung boses mo over the phone… Pati na rin yung kakulitaan mo noong magkasama pa tayo noong second year. Siya kaya, na-miss niya si Jonell? Ehehe.

Isa po siyang tunay na kaibigan sa akin. Always there for me kahit na hindi na kami magkaklase. Kahit na malayo na siya sa akin–evident naman kasi ang four blocks away ang room ng iii-3 sa tres-dos–friends pa rin kami niyan. Mahilig yan sa computer games pero sa awa naman ng Diyos e nag-quit na siya. Adik yan sa computer… pero medyo-medyo na lang ngayon.

Handwritten niya? Aba ewan ko ba… pasalamat siya nababasa ko pa yung sulat niya. Ang kitid-kitid kasi… parang yung mukha niya.

Siya nga po pala, matalino itong taong ito… nakasulat na nga siya ng story e… na ayaw naman niyang ipabasa sa akin kahit na sabi niya noon pag natapos niya ipapabasa niya.

Ano pa nga ba ang masasabi ko sa kanya?

Mas matangkad na nga pala siya kaysa sa akin. Tapos mas marami na rin siyang pimples… parang hindi nagte-take care ng mukha. Feeling ko parati siyang nagpupuyat. Ang payat niya pa rin… halos walang pinagbago.

Tapos… ano nga ba ‘yon? Bale… laging madumi yung bag niyan… lalo na kapag binuksan mo yung bag niya, puro basura.

Remember pa kaya niya na magkausap kami over the phone the night before the submission of the term paper rough draft?

Dati pinakuwento ba naman niya sa akin yung Romeo and Juliet… nakakapagod ‘yun, ha!?

Dati nga binibigyan ko siya ng internet card na hindi naman niya ina-appreciate… hmmmphh…

Teka may sasabihin ako, e. Hindi ko maalala.. ayun! Nagalit nga po pala siya sa amin noong time na gumagawa kami ng IP sa Biology… tanda pa kaya niya? Pero sana naman wala na iyon ngayon kasi nagkaroon lang naman talaga ng misunderstanding among us, e…

Tapos na pala ako kasi wala na akong masabi sa friend kong ito.

Message ko lang sa kanya e sana kumain na siya nang kumain… sana maging mabuti at maganda akong halimbawa sa kanya. Maging matakaw naman sana siya… sana hindi na siya nagbababad sa harap ng monitor… sana rin matuto na siyang mag-blog… sana rin maaga na siya kung matulog at sana magkaroon na siya ng lovelife…

Cge na! Avisala meiste!

MARLYN

Ito po ang aking pinakamamahal… as in pinakamamahal… most ever dearest na pinsan sa buong mundo… outstanding yan sa akin kasi magpinsan kami! Classmate ko na siya noong second year pero hindi pa kami close noon; ngayong third year ko lang siya tuluyang nakilala at nakakitaan ng strength and wisdom… Naks!

Masaya po siya kasama… panay ang paghahanap ng cute… siya nga pala yung naka-discover ng kabulastugang ginawa sa akin ng isang taong manloloko.

Ano pa ba? Sorry nga pala kung sabi mo nga e inaagaw ko yung crush mo… Ganun talaga, Insan… maging bf nga ni Seatmate, e… Hehehe.. Jowks lang. Lagi kami niyang tumatawa sa mga corny jokes ng Math teacher namin. Tawa talaga ako ng tawa. Tapos nung minsan nga e kinuhaan ko ng picture yung crush niya kaso hindi ko alam kung nakita niya ba ‘yung picture. Sayang baka binura na… Siya yung nagdala sa akin sa loob ng sambahan nila. Iyon yung first time ko na makapasok sa INC.. Wehehe. tapos nakita ko noon yung isa niyang crush. Sa tuwing makakakita siya ng cute e titili na siya talaga at nakakabingi talaga. Nakita na kaya niya si Audie??

Secretary nga pala siya ng tres-dos… hayop kasi sulat niyan. Walang katulad! Marami talagang talent kaming mga magkakamag-anak! Wahehe!

Message ko lang sa kanya e sana keep up niya yung good works niya lalo na ang pagiging hayop sa Math… yung favorite subject namin ni Mhadz… Eheheheh… Sige papayat din siya… Sabi nga niya noon maglalakad na lang siya pauwi para pumayat e. Kasi feeling niya sa sarili niya e ang taba-taba niya. Hindi naman, insan, e… Darating din for sure yung time na papayat ka! Go, fight! Kaya mo yan.

Balita ko nga pala, panay ang hunting mo ng cute sa tabi-tabi, ha. Sige kaya mo yan. Until here na lang.

Cge na! Avisala meiste!

FATIMA

Pashnea! Si Amitaf na naman… aba laking pahirap sa buhay ko ang taong ito… lalo na kapag pinapagalaw niya sa akin ang friendster niya na hindi ko na naaasikaso…

Siya nga pala ang unofficial seatmate ko noong second year. Lagi akong tumatabi diyan. I can still remember our seats.. Ehehe. Sa kanya ko sinasabi ang mga bagay-bagay na super confidential sa buhay ko. Hayz… Sana lang diba hindi niya sinasabi sa iba yung mga kwinekwento ko sa kanya. Luckily naman worthy naman ang pagsabi ko sa kanya ng mga secrets ko. Pero lately medyo la na kami chance na magkasama. Ewan ko ba. Sana lang ma-update ko na siya.

Siya pala yung tinatawag na Epalogs sa tres-dos. Saka ko lang nalaman. Sana lang kasi magpakabait na itong taong ito. Sana lang gayahin niya na ako… mapagmahal ako diba?? Lalo na kay Onin… ehehehe. Hindi… sige na hindi ko na sasabihin dito yung tungkol sa Epalogs na yon baka magalit siya e.

Bali… itong si Amitaf… mahilig yan sa Choco… ano nga ba yung tawag dun sa tinda dati sa sulok ng hagdanan… yung chocolate na may ice cream sa ibabaw… At nung nawala na iyon e Binx na ang pinagkaabalahan niya… na lagi ko namang dinedekwat sa kanya… Ehehe.

Ano pa nga ba? Uy! Galing niya nung choral.. Aham Aham Ahahahahaham… Ang galing na puno! Ehehe!

Message ko lang sa kanya e sana magpakabait na talaga siya… at sana matulungan niya na ako sa pagmamahalan namin ni ________… Jowks lang!

Until here na lang… ayan na napagbigyan na naman kita, Fatima…

Just keep up the good works kahit bad ka… pakabait ka na kasi para hindi nale-leche ang buhay mo tulad ko.

Cge na! Avisala meiste!

ELCEL-LYN

Kilala ko na siya noon pang first year. I still remember those days na panukso siya kay Mark Julian. Tanda ko pa rin noong hinila siya papanik ng room namin noong birthday ni Julian. Ehehe.

Noon namang second year e magkakilala pa rin naman kami. Ayun payat na pala siya noon pa man.

Ayaw man niyang aminin pero mas payat talaga siya sa akin.

Mahal na mahal niya ang nanay niyang English teacher na adviser ng iii-1. Lagi niya ngang katelebabad sa phone e.

Ngayon naman palang third year e kung hindi dahil kay Mark Renan e baka hindi kami naging malapit na magkaibigan.

Tapos in-ask niya pa ako na maging “kuya” niya… na kabaligtaran naman yung nangyari kasi siya yung naging “ate” sa akin. Parati siyang nandiyan para sa akin…. para sa mga kaibigan niya. Isa siyang mabait na kaibigan. Favorite show niya yung laos na PBB… Gulat nga ako na nanonood na pala siya ng Encantadia. Adik din yan sa panonood ng Jewel in the Palace. Kapag hindi iyon ang pinapanood sa TV nila e mangangapitbahay pa iyan para lang makapanood.

Yung crush niya nga pala na malapit lang sa amin, kakalimutan ko ba? Siyempre hindi. I remember that time na sobra-sobra ang pagkablush niya nung kinantahan siya nung crush niya na gra-graduate na. Anong pinagsasabi mo na walang graduate? MERONG GRADUATION!!! Kawawa naman siya!!! Lagi na lang po siyang sumisilay. At kahit na anong sabihin naman na bakla ang crush niya,,, aba! Ayaw maniwala! Pero totoo naman talaga iyon e. At kung kelan namang sasabihin kong hindi bakla yung crush niya saka niya sasabihin na bakla iyon.

Uyyy! Phone pal niya nga pala si ano… Oo… Panay ang tawag sa kanya. Tapos lagi pang sinisigaw ang pangalan niya. Lagi namang pikon itong si Lecle siguro may gusto na rin siya. Uyyy!

Siya nga pala, maiba tayo. Nagstay na nga pala siya ng ilang oras sa labas ng bahay nila noong minsan na nagpractice sila na gabi na umuwi. Aba! Hindi ba naman siya natakot… Sa bagay, panay naman ang pag-iisip niya dun sa phone pal niya. Hay naku…

Sana lang e magpataba na siya kasi ang payat-payat-payat-payat-payat-payat niya talaga. Wala akong masabi.

Cge na! Avisala meiste!

MICHELLE

Si Michelle? Siya nga po pala yung crush ni Mark Renan. Na nagkaroon ng cyst… Na may crush sa alter-ego ko… Pero ang totoo naman talaga niyang crush e yung phone pal ni Lecle… Kasi naman dapat walang nagiging panakip-butas… Sabi mo mas natitignan mo yung kambal-diwa ko kaysa dun sa phone pal ni Lecle. Kasi naman panakip-butas mo lang naman si Kuya e. ehehehe..

Anyways, ngayong third year ko lang po nakilala ang adik na ito. Isa siyang adik ng pagcha-chat. I remember that time na una kaming naging close… nung nag-over night kami sa kanila. Hay naku… ang daming kalokohan.

Kahit na parati kong inaasar itong taong ito… mahal ko po siyang friend…

Kaya nga naka-dalawang hiram ako diyan ng Encarta e… tapos yung Print Shop din ata…

Hay naku… adik nga pala siya sa Harry Potter… tulad ko. Ano ba naman yan. Sana lang wag niyang isiping maging HP si Kuya diba… Naku! Bat ko ba siya binigyan ng idea.

Siya nga pala, kung nababasa niya ito, sana mapatawad niya ako sa mga pang-aasar ko… lalo na kapag magkakasama kami na tinatawag ko ang mga crush nila. Ganun talaga.

Oo nga pala, nasaan na yung Lala ko?

Ehehe.

Sana simula ngayon ewan ko lang kung sinisimulan mo na– sana kumain ka na ng marami… nagpapaunahan ba kayo ng pagtaba ni Lecle? Hay naku Michelle… hay naku talaga.

Mabalik tayo… sana mapagtanto mo na ginagawa mo lang talagang panakip-butas si Kuya. Sige ka…

Oo nga pala nakita ko siya kanina sa may school.. Naka-uniporme… Siyempre may laban na naman sila. Para ngang hindi naligo, e. Saka naamoy ko. Ehehehe jowks lang yun. Pero nakita ko talaga siya… sabi ko sa kanya regards daw sabi ni michelle… sabi niya sinong michelle… sabi ko wala lang… hindi… oops! baka nagpa-panic na si michelle sa kinauupuan niya. Sensya na. Joke lang yun!!! Ehehehe! Wahehehehehe! ang sarap mong pagtawanan!

Cge na! Avisala meiste!

Posted in Personal | Leave a Comment »

ako bilang ako

Posted by Paurong sa Miyerkules, Pebrero 22, 2006

I am Jonell B. Estillore. Fifteen years old lang pero sabi ng karamihan matured na daw ako. Masyado kasing open ang isip ko sa kung ano-anong klase ng bagay. Sino nga ba ako? I can say that I am a moody person. It is evident in my everyday attitude towards everybody. Makulit daw ako… minsan naman sentimental masyado sanhi na rin ng mga kaganapan sa buhay ko. Sabi naman ng isang teacher ko, strong person daw ako. Sabi naman ng isa pa, idealist daw ako. Sabi naman ng iba magaling daw ako sa English. Sabi naman ng iba magaling daw ako magsulat. Sabi naman ng iba mahirap daw akong pakitunguhan. Sabi naman ng iba weird daw ako. Ha? Medyo nakakainsulto yung word na iyon para sa akin pero I am used to it naman kaya ok na sa akin na tawaging weird. Bakit mo nga naman tatawaging weird ang isang taong–makulit na tulad ko… mahilig mag-isip… mahilig magbasa… mahilig manood ng Encantadia… mahilig pumuna… mahilig sumabat sa English teacher… mahilig mag-ayos ng grammar at tenses… mahilig sa Binx at Lala… mahilig bumili ng Cookies and Cream o kaya’y Cappucino na shake sa Pag-asa… mahilig mag-call ng attention sa mga crushes ng mga kaibigan… mahilig ngumiti… mahilig umiyak… mahilig kumanta… mahilig makinig ng songs… mahilig kay Shakespeare… kabisado ang To Be or Not To Be… kabisado ang balcony scene… kabisado ang speech ni mark antony sa julius caesar (pero hindi na masyado)… galit sa mga etherian… panay ang basa ng romeo and juliet… favorite book and movie ang harry potter… favorite flavor ng ice cream ang halo-halo at cookies and cream… mahilig sa bacon… favorite color ang black, white, red… panay na ang pag-apply ng gel sa buhok buhat ng magpagupit before Valentine’s day (bakit kaya?)… mahal ang kuya niya… mahal ang kanyang mga kaklase lalo na yung nakasalamin na lagi niyang inaasar lalo na kapag nandiyan yung dalawa niyang kaibigan… adik sa mga play… mahilig matulog… mahilig magpuyat… mahirap pakainin pero matakaw… di mapigil sa pag-oonline… parating may ka-telebabad… walang cellphone pero maraming ka-text… may kaibigang teacher na mahilig kay Shakespeare… may kaibigang teacher na parating nakakaintindi (Merino? nope)…. at may malalim na nakaraan… Iyan ako bilang si Jonell. Sa pagkakakilala ko sa aking sarili, hindi ko masasabi ang lahat sa isang iglap lamang. It’s up to you, readers, to judge me by means of what I will likewise post here. Sa ngayon, kailangan ko na sigurong umuwi pagkat malapit nang mag-Encantadia. Ayokong mahuli sa kuwentuhan tomorrow. Avisala meiste!

Posted in Personal | Leave a Comment »

isang guwardiya-sibil na kilala ni crisostomo ibarra

Posted by Paurong sa Sabado, Pebrero 11, 2006

Grabe naman itong linggong ito.. ang dami na rin palang nangyari. Sunud-sunod ang mga pangyayari. Nang dahil lang sa Choral ang daming nangyari. Tapos ngayon may kalaban pa kaming guard. Siya rin yung dati e. Nung first year ako. Yoko nang alalahanin yun. Pero ngayon lalaban ako. Kung noong first year hindi ako makakilos ngayon sigurong third year na ako e makakapagsalita na ako. Kagabi kasi nangyari, diba? Sinaraduhan kami ng guard ng gate nung lalabas na kami. Ano kaya yun?

Posted in Personal | Leave a Comment »

talaga nga naman

Posted by Paurong sa Biyernes, Pebrero 10, 2006

Grabe naman itong linggong ito.. ang dami na rin palang nangyari. Sunud-sunod ang mga pangyayari. Nang dahil lang sa Choral ang daming nangyari. Tapos ngayon may kalaban pa kaming guard. Siya rin yung dati e. Nung first year ako. Yoko nang alalahanin yun. Pero ngayon lalaban ako. Kung noong first year hindi ako makakilos ngayon sigurong third year na ako e makakapagsalita na ako. Kagabi kasi nangyari, diba? Sinaraduhan kami ng guard ng gate nung lalabas na kami. Ano kaya yun?

Posted in Personal | Leave a Comment »