Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Hunyo, 2006

12:06 pm AVR, Rizal High School si ever naman pal…

Posted by Paurong sa Biyernes, Hunyo 30, 2006

12:06 pm
AVR, Rizal High School

si ever naman pala ang may kasalanan: siya pala ang nagbukas nung papel. akala ko tuloy si jordan ang nagbukas kasi sa kanya ko ibinigay. nagtataka lang talaga ako kung papaanong napunta kay ever yung papel. mabuti na lang nabasa naman ni ano. eto naman yung malupit, nabasa nila ila, jordan, sarah at karen yung isa kong comment about dun sa araw na ibinigay ko yung tula. ano ba naman ito? e diba nga may gusto si jordan kay ano. manunulot ba naman daw ang itawag sa akin. ano na lang ba ang gagawin ko. iniwan pa ni jordan yung kantang ewan ko na tumutugtog sa computer. e ako din nga iyon ang pinatutugtog. tapos kanina pa ako paligid-ligid sa tapat ng room ni ano. may isa pang tula kaya lang baka hindi niya magustuhan yung nilalaman. ewan ko talaga. ewan.

Advertisements

Posted in Personal | Leave a Comment »

june 29 thursday 7:30 pm study net, computer no. 3…

Posted by Paurong sa Huwebes, Hunyo 29, 2006

june 29
thursday
7:30 pm
study net, computer no. 30
galing sa practice ng streetdance

…”ndi btayan ang paggng klows pra sbhng mahal mo ang isng tao..”

nabasa ko yang line na yan sa comment mo dun sa isang taong may gusto sayo (to think na nililinaw mo nga sa kanya kung crush lang ba niya si xine o mahal). sana naman sinabi mo na ako ang nagsabi. kailangan pa bang ang nakasulat dun ay “ika nga ng isa kong kaibgan”.

wala lang… nasabi ko lang yun kasi binabasa ko yung mga post nung dati mong classmate na yun. buti pa sa kanya nagko-comment ka. mahal ka niya pala talaga.

isa na namang GRABENG ARAW! nung umpisa sabi nila magkaklase daw kami today. e wala pa naman akong mga assignment. pinaalala sa akin yung tungkol sa seminar namin last last week. e kailangan kasi naming mag-meeting about dun. bakit ba kailangan kong pumunta ng IR? nandun sa mrs. iquin, nag-usap kami. obvious naman diba? pabalik-balik ako. as in! para na naman akong tanga. sumisilay?? aba EWAN KO! hala… wag na nga yang EWAN KO na yan. para talaga akong ewan lakad ako ng lakad kung saan saan ngayong araw.

nakuha mo ba yung papel? amm.. totoo yung nakalagay dun.

sa avr kami nagmeeting kuno nung mga kasali dati sa seminar (sila karen, ila, sarah, jordan–uy! jordan!–at yung iba pang year). may nalaman ako ah! sino naman si RJ? nakakaewan nga e. nung bumalik ako sa gym para kunin yung lunch ko, wala palang kutsara’t tinidor. hindi tuloy ako kumain. e wala namang mga baon yung dalawa kong besti. kaya hindi na ako kumain.. tapos napagalitan pa ako ni ma’am beltran…bakit daw kasi nakabukas yung admin ng computer na gamit ko e dapat ang user ay student. e ang totoo naman talaga e may isa sa kanila na nagtype ng password (lalaki siya). ilang minuto din akong nabagabag at hindi napakali habang nakapikit kasi feeling ko ipit na ipit ako. maya-maya lumapit sa’kin si ma’am beltran at sabi, “Jonell, ba’t ka malungkot. Alamin mo na lang kung sino.” Naging ok din naman ang lahat. Hindi na ako pinagalitan. At hindi na rin ako isinumbong sa tle teacher ko. hindi naman yung demerits yung problema ko dun. ayaw ko lang talaga sa lahat ay yung nagsisinungaling. ayaw ko talagang magsinungaling. kahit na nga kinindatan pa ako ni ila habang sinasabi niyang “Ma’am hindi po namin alam yan kasi ganyan na namin nadatnan yang computer na iyan”. grabe talaga. nakakabadtrip…

bad trip talaga.

pero naging ayos din kasi nakita ko yung mahal ko sa ir. nagpraktis kasi kami para sa streetdance. siyempre katabi niya na naman si bff chacha niya. ehehe. ayun siya, nakatingin dun sa lalaking nakaputi… nakakatuwa nga kasi ngayong araw na ito nakaitim ako samantalang yung taong mahal niya (?—tama bang may question mark) nakawhite. tapos magkatabi pa sila sa bench kanina habang kumakanta ng SUPERPROXY at habang yung mahal ko e parang may inaayos na lock sa room ng III-4. ang kulit ni jordan panay ang parinig. hindi nga lang siya. pati sina ila. tapos sumesenyas pa si jordan ng E W A N K O. ang kulit talaga. tapos narinig ko pang “WAG MONG TITIGAN SI PONCIANO BAKA MATUNAW!” hanggang sa umuwi na yung taong mahal ko.

nung matapos yung practice as in practice as in practice namin sa school dumiretso ako sa study net. azar! may gumagamit ng computer no. 30. e 4 minutes na lang siya kaya hinintay ko na lang. kahit na alam kong meron pang mga available na units e hinintay ko talaga yung computer.

nakakalungkot kasi wala akong nabasa sa blog ng mahal ko. so, hindi niya rin pala nabasa yung MAIIKSI kong comment. hindi ko nga rin alam kung bakit ganito ako mag-comment. bakit kaya. sana hindi siya nahihirapang magbasa at sana wag siyang magsawa.

p.s.

gusto ko lang malaman ng taong mahal ko na hindi ako nagsisinungaling sa kanya. ayaw ko sa lahat ang nagsisinungaling kaya’t bakit ko lolokohin ang taong importante sa buhay ko. yung sulat?–hindi ko rin alam kung paano ko nabuo iyon. galing lang talaga iyon sa puso at iyon talaga ang aking nadarama. sana wag nang mailang yung taong mahal ko. sana. at isa pa nga palang sana: sana makausap ko siya tonight. at last na sana: sana walang kokontra sa bahay nila para mas mahaba ang usapan. sana….

Posted in Personal | Leave a Comment »

june 28 wednesday 10:57 pm laptop isang oras at ka…

Posted by Paurong sa Huwebes, Hunyo 29, 2006

june 28
wednesday

10:57 pm
laptop
isang oras at kalahati matapos kang kausapin

hindi na muna ako magsusulat sa blog ko tutal gusto ko na ng privacy. darating at darating din pala sa tao yung point na mapipika na siya sa kakabanggit ng tungkol sa buhay niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. may oras palang kinakailangan mong isipin ang iyong respeto mo sa iyong sarili.

mabuti naman hindi ka galit. hindi ka man galit sinabi mo naman na naiilang ka kasi hindi ka sanay. kung palalayuin mo ako sabihin mo lang. kung naaasiwa ka sa presence ko just tell me. pero kung hindi naman siguro it’s time na para masanay ka kasi hindi pwede sa akin na masasaktan ang taong mahalaga sa buhay ko. ahem. sino kaya yung taong iyon? o baka naman hanggang dito ay naiilang ka pa rin maging sa mga isinusulat ko sa blog mo? sabihin mo lang kung ayaw mo sa akin. para nga walang masaktan, sabi ko nga, diba?

ewan mo? ano na kaya? hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang damdamin mo. hindi kasi pwedeng lagi na lang ewan mo. hindi ko tuloy malaman kung paano ba ang tamang pagkilos pag nandiyan ka.

gusto lang naman kitang titigan. totoo yun. kaya nga pagpasensyahan mo na talaga ako sa pagtingin ko sa’yo. sabihin mo lang kung ayaw mong tumitingin ako kasi hangga’t ewan mo pa rin e at kahit hindi mo na ewan e hindi ako magsasawang tignan ka kung paano kita tignan ngayon.

masyado nang nakakahalata ang mga tao sa paligid mo. lalo na sina ila at hera. hindi ko na nga alam ang gagawin e. ganito talaga siguro. hindi ko rin sukat akalain na magagawa kita sundan nang buong isang araw.

sabi nga pala ni ila marami ka na daw pinagdaanan…lovelife ata yung tinutukoy niya. at if ever man daw na may pagtingin ako sa’yo e ingatan daw kita. hindi naman daw niya sinasabi na tumigil ako pero maraming beses ka na daw nasaktan.

yun lang naman yung premise nun e. hindi ka naman iiwan ni ewan mo e. kaya nga lang sabi mo nga EWAN MO pa rin si EWAN MO. puro na lang ba ewan. aba! nung binanggit ko yung tungkol kay EWAN MO, tumatahimik ka at gusto mong ibahin yung usapan. ano kaya ang ibig sabihin nun? manghuhula na lang ako ng kahulugan nun kasi hindi mo naman ipinababatid sa akin–kaya nga hanggang hula na lang ako sa pakiramdam mo. kaya nga sana nabuksan ko na nang tuluyan ang mga mata mong nakapiring. remember your favorite kulungan? sabi mo gusto mong nakawala totally pero paano mo iyon gagawin nang mag-isa. look around and you’ll see EWAN MO. pero bakit ba siya masyadong umaaasa. e kasi naman may nararamdaman talaga siya sa’yo. sana nakikita mo yun. malamang duwag na tao yun. pero alam mo, binago mo siya. dahil sa’yo sumaya siya. (teka tama na nga ang paggamit ng third person) ayan na! pinasaya mo ako sobra kahit papaano. kahit na dinededma mo yung feelings ko for you. ayan na! diretso na!

ibahin mo ako sa kanila. ilang beses ko pa kayang sasabihin sa iyo na ibahin mo ako sa kanila? eto na naman ako, umaaasa. alam mo, ngiti mo pa lang masaya na ako. lalo pa kaya nung nagsalita ka sa akin kanina.

ang unang sentence na sinabi ko sa’yo alam mo ba? “wala kang middle initial!” ang kulit ‘no? sayang sana tinakbo ko yung pentel pen ko sa gym. tapos may dumi ka pa sa likod..hindi ko naman masabi sa iyo kasi baka kung anong isipin mo at nahihiya din ako. bakit ba kasi ako nahihiya.

pasensya na talaga sa panggugulo ko sa buhay mo. papasok-pasok pa kasi ako, e. pero sana talaga alam mo na yung totoo mong nararamdaman. hindi dun sa isa ha. ayan na nagseselos na ako. alam mo namang nasa iyong mga kamay pa rin ang pasya. nasa sa iyo din kung kakalimutan mo ako kung naisin mo mang lumayo ako. pero sana wag naman ouch yun. sana talaga huwag.

alam mo, iba talaga yung nararamdaman ko sa’yo, e. hindi ko man lang nga maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman ito, e. feeling ko tuloy isinisiksik ko ang sarili ko sa buhay mo. sana wag kang mairita sa akin. at sana madalas pa tayong magkausap. sabihin mo lang talaga kung ayaw mong papunta-punta ako sa ir at kung palagi ka pa ring naaasiwa sa akin please sabihin mo para alam ko.

teka anong oras na ba? sige hanggang dito na lang muna siguro. isa na namang araw ang susuungin natin kinabukasan. sana pag-isipan mo ang tunay mong damdamin. pakinggan mo ang tibok ng iyong puso. gabi na, may practice pa kami bukas pero heto ako nagpupuyat kasi gusto kong malaman mo yung nasa puso ko.

p.s.

mukha na ba akong awkward? sana aware ka pa rin na may nararamdaman ako for you.

Posted in Personal | Leave a Comment »

june 28 wednesday 8:02 pm study net, computer no. …

Posted by Paurong sa Huwebes, Hunyo 29, 2006

june 28
wednesday
8:02 pm
study net, computer no. 30
galing sa city hall..

hindi ko alam kung paano sisimulan. pero kagaya nung isa kong comment, gusto kong magsorry.

ang aga-aga nandun na ako sa ir. 6:45 ka na ata dumating hapit ka kagad sa portfolio mo sa journ. nung dumating na si mrs. iquin, kinausap niya pa ako tungkol dun sa assignment namin sa seminar thingy last week (kasama sina karen, sarah, ila, jordan). umalis na ako kasi filipino niyo na.

mga 8:00 natapos na filipino nio. nakatambay ako sa labas. hanggang sa dumating si mr. reyes. math niyo na pala. sabi ba naman sa akin, “Jonell, do you have a problem?” Ehehe. Umalis na naman ako.

Next class niyo ay English pero kinailangan niyong magpapicture for the ID. nung lumabas ka, nakita mo ako, pinuna mo yung shades na nasa shirt ko. sumama ba naman ako!? doon yun sa fourth floor ng main bldg. nung nakaupo ka katabi si peco gusto ko sanang tumabi sa kanan mo kaso biglang umupo si hera. hala! e di nakatayo lang ako dun. tanong nang tanong yung mga classmate ko kung sino ba ako. hay naku. dumaan pa nga yung dalawa kong lalaking ka-streetdancing, ba’t daw ako nandun. tapos nung nagpicture taking na tatlong beses ka yatang kinuhaan. nung unang beses tumingin ka sa akin. nung pangalawa nasa malayo na ako..madami kasing tao.

hanggang sa bumalik na kayo sa IR. nandun na naman ako sa tapat. narinig ko na may nagsabi sa’yong kausapin mo muna ako kaya ka lumabas at sinabing “kanina ka pa dito, ha?” sabi ko naman “tapusin mo na yung portfolio mo.” tinanong ko si mrs. merino kung magkaklase pa ba kayo, sabi niya may sasabihin lang daw siya. ako naman sumama sa kanya papunta sa room nio, as usual nasa tapat na naman ako. nung lumabas na siya, nasa labas pa rin ako. e, ang init sa labas. tapat na tapat sa akin yung araw. i caught hera’s attention to ask kung pwede bang pumasok. ako naman si EWAN pumasok sa room niyo. nakatayo na naman ako (bakit ba ayaw kong maupo). nagulat ka; para bang sinabi mong kanina nandun ka sa labas tapos nasa loob ka na! pinaupo ako ni peco, itinapat niya sa akin yung silya. umupo ako. tapos kinailagan mo yung portfolio mo, yung gunting at saka yung glue–e, nasa ilalim pala yun ng silyang inuupuan ko–kinuha ko kaagad. Sabi ba naman ni peco, ibigay daw personally. Ako naman si EWAN, ayaw pang iabot (gusto naman, nahihiya lang). Ipaaabot ko sana kay hera pero bigla ko na lang ibinigay sa iyo. tapos sabi ba naman ni peco, “bakit ka naiilang…kinikilig yan!” (hindi naman ako makapagreact) nagulat ako sa sinabi niya.

hanggang sa mag-lunch break. kinuha mo yung baon mo sa pink mong bag na hello kitty at nagready nang kumain. hotdog ang ulam. gusto kong tumabi sa’yo kaso baka ayaw mo. nagdalawang isip ako kung uupo ba ako dun sa upuan sa likod mo pero hindi pala yun pagdadalawang isip kasi bigla akong pumunta sa likod mo at umupo sa silya. nagulat ka. napangiti ka ata. (ay, wag kang mag-expect, jonell) ibinaling ko yung silya paharap sa’yo kaso–eto yung malupit–inilayo mo yung silya mo. nahiya tuloy ako. sabay kong narinig yung “hindi ko maintindihan itong dalawang ito” sa isa mong classmate. nahiya talaga ako. bumalik ako dun sa silya na nasa tabi ng dingding. naupo ulit ako. busy ka pa rin. bakit ba ako nakatingin sa’yo parati…

dumating si mr. san diego. ap niyo na. gusto ko pang mag-stay pero nagugutom na talaga ako. as in nagugutom na ako. hindi ako kumain, eh, breakfast lang. umalis na tuloy ako sa ir.

pumunta ako ng gym kumain. tapos medyo naidlip. ako lang mag-isa. inalam ko yung oras. 1:00 na. pumunta ako ng IR pero nasa oval na kayo nun papuntang biotech. pagbalik ko sa gym nagpasama si jose sa room ng IV-2 para ibalik yung notebook na hiniram niya. pagkagaling namin dun balik akong gym tapos pumunta ako sa science building. aba! wala kayo sa first floor kaya pumanhik ako sa second floor. ewan ko lang kung

* * *
teka.
teka.
ewan ko yung kanta dito sa study net…
napapangiti ako.
bakit ba ganito.
* * *

ewan ko lang kung napansin mo ako. bumalik na naman akong gym. wala naman akong ginagawa dun. takas na naman ako. nag-cr ako sa science bldg.

hindi ko na maalala yung iba pa. ang alam ko pati nung nag-physics kayo dumaan ako. kaya lang may parang groupwork kayo kaya for sure walang nakapansin sa akin. ang saklap nun!

nung 3:15 na nasa gym ako nun. sabi ko sa sarili ko malamang nasa library ka. ayun ka nga. ako na naman si EWAN paligid-ligid. kinausap ko rin si mrs. rodriguez. tapos ganun pa rin labas-masok ako sa library. dalawang beses kang tumingin. nung sumilip ako sa bintana. aba! umuulan pala! natakot ako kasi baka hindi kagad tumila. kapag nagkaganon e dedz ako kay ms. columbres kasi wala ako sa praktis. pumasok sa library si mr. san diego, sabi ko “I am stranded, sir.” Bigla ba naman sinabing “Why, are you a passenger.” Mga banat talaga ni sir, ang ko-corny.

so ayun nga nakabalik na ako sa gym. pero bumalik ulit ako sa library…pero wala ka na. so, pumunta na ako sa IR. grabe ang pagkakasalang ko kina ila at hera. grabe talaga. doon ko naisip na baka galit ka na sa akin dahil sa pagligid-ligid ko ngayon araw. hindi ko kasi mapigilan. gusto kitang makita. gusto kitang makasama. ganun yung pakiramdam ko. tapos kung anu-ano pa yung sinabi ni ila. alam niya pala yung tungkol dun sa tula. ano nga pala yung post ko sa blog ko na prinint mo daw? tell me naman. hindi ko alam yun ah! confused ka daw.. pati na rin ang mga tao sa paligid na nakiki-confuse.

maya-maya umalis na ako sa ir. hindi kita nakausap or what. pero alam mo masaya ako kasi kahit papaano nakasama kita nang halos buong araw. hehehe.

pagbalik ko sa gym marami palang dapat gawin pero hindi ko magawa ng maayos kasi iniisip kita. nakakahiya naman sa’yo. pasensya ka na talaga. mabuti na lang tinulungan ako ni jian. hanggang sa kailangan na kaming pumunta sa may city hall. naglakad lang kami. pero bago kami dumiretso, dumaan muna ako sa bahay para uminom. yun nga nilakad lang namin hanggang city hall. astig talaga si jian. tapos wala namang nangyari. pagkasakay ko ng jeep bumaba ako sa may study net at umupo sa upuang ito.

ang saya ng araw na ito kaso parang nakagulo ako sa araw mo kaya hindi pa rin ganun kasaya.

p.s.

may sinabi kasi sa akin si ila na tumatak talaga sa akin. wag kang mag-alala gagawin ko yun. ibahin mo ako sa kanilang lahat. salamat kasi kahit papaano pinapansin mo ako. (last 1 minute) thank you and i am sorry sa paggulo ng araw mo. sana malaman ko yung side mo. sana makausap kita tonight.

Posted in Personal | Leave a Comment »